Chapter 29.1 ILANG buwan na rin ang lumipas at heto ako ngayong umaga, naglalakad habang sa kanan ko naman ay si Gelo na umaaktong nag-jo-jogging. Pawis na pawis na siya sa ginagawa niya pero hindi niya pa rin tinitigil ang trip niya na ‘yon. After matapos ng birthday ni Nanay ay bumalik ulit sa dati, si Shia at Sam ay umuwi na sa kanila habang ang triplets naman ay sinama na ng parents nila pauwi. Natapos ang lahat na hindi naayos ang inisan nilang anim. Paano kasi, kung gaano kaayaw ng mga kambal sa mga babae, gano’n naman kalakas ang pang-aasar nila Shia. “Hindi ka pa ba titigil?” busangot kong tanong sa kanya. “Ito na nga, eh,” sabi niya bago huminto at pinunasan ang pawis niya sa katawan habang ako ay hawak lang ang tyan ko na medyo bumibigat na. “Uwi na tayo. Ang sakit na ng pa

