Chapter 29.2

1660 Words

  Chapter 29.2 Tirik ang araw mula sa labas at sobrang init ng panahon. June na ngayon pero parang summer pa rin sa sobrang init. Kahit na maraming puno ang nakapaligid ay halos wala pa ring hangin ang buong lugar. Init na init akong bumaba, hawak ang pamaypay na malakas na pinapaypay sa sarili. Bumungad sa ‘kin sa baba ang mga walang ginagawa na sila Gelo. Lahat sila ay nakaupo habang si Mark at Gelo naman ay nasa kani-kanilang pwesto. “Guys,” pagkuha ko ng atensyon sa kanila. Hindi namam ako nahirapan do’n dahil lahat sila ay agad na napatingin sa pwesto ko. “May sasabihin ako.” Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Hindi ko alam kung paano ‘to sasabihin at mas lalong hindi ako sanay na gawin ang humingi ng pabor o makiusap sa iba. “Ano ‘yon?” tanong ni Miley. Naupo siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD