Chapter 27.2 HUMARAP ako sa isang malaking salamin habang tinitignan ang sarili ko pagkatapos ayusan ng tatlong bakla na kinuha pa ng mommy nila Duke. She’s a fashionista. Kaya pala sa tuwing nag-sho-shopping ay gano’n na lang ang inis ng triplets dahil kahit may katandaan na ang nanay nila ay mas maayos pa rin ito sa sarili kumpara sa iba. Hindi nito pinababayaan ang balat niya at magmukhang losyang kaya naman magkasundo sila ng tatlo habang ang ina naman ni Shia ay simple lang at walang masiyadong abubot sa katawan. Nakakatuwa lang na malaman na may mga ganitong nanay, mga hindi KJ at kayang sabayan ang mga trip ng mga anak nila pero sa sitwasyon naman ng magulang ng triplets ay wala silang magagawa. Lahat sila ay lalaki. Hindi na sila biniyayaan pa ng isa pang kapatid dahil nagi

