Chapter 27.1 “What do you think?” tanong ni Shia bago marahan na umikot sa harap naming tatlo. She’s wearing a red fitted gown and a pair of high heels. She’s beautiful. Mas lalong lumabas ang pagiging sexy niya sa suot niya habang ang boobs naman niya ay hindi gano’n ka-revealing unlike kay Kitty na sobrang binabalandra ang malaki niyang boobs. “That’s perfect! Mas bagay sa ’yo ‘yan kaysa sa mga nauna and take note, it’s red,” pumapalakpak na tugon ni Miley na tila umaaktong parang expert. “How about you, Norie?” baling niya sa ‘kin. Nagkibit-balikat ako at sumunod sa fitting room. Simple lang ang damit na pinili ko. Katulad ng mga nakikita ko sa internet ay gano’n na rin ang pinili ko. Ewan, pero once pala na may kasama kang masiyadong palaayos sa sarili ay mahihiya ka na lang.

