Chapter 13.1 Gabi na. Ito na ang ikaapat na araw na walang ginawa ang apo ni Nanay kundi puro ikakapahamak namin. Hindi ko siya maintindihan. Ano ba ang problema niya sa amin at palagi niya kami pinag-iinitan. Ang pagkakaalala ko ay siya pa nga ang naunang manghusga kahit hindi naman niya kami tunay na kilala. Iyan ang mahirap sa ibang tao. Porket may nalaman silang may nagawa ka sa nakaraan, uungkatin at uungkatin nila ‘yon at kahit sabihing nagbago na ay ‘di pa rin sila maniniwala. Nagbabase lang naman sila sa maling ginawa ng tao at hindi sa mga tama. “Norie, tara na hinahanap na tayo ni Mark sa kwarto nila.” Tumango ako bago nilapag ang hawak kong libro. Ito na ang tamang oras para pumunta sa kwarto ni Mark. Ang sabi nila ay gagawa na kami ng plano dahil habang tumatagal ay mas l

