Chapter 36.2 Nakatingin ako sa buong loob ng bahay. Hindi na gano’n ka mamahalin ang mga gamit, unlike dati na bawat may bagong labas ay agad na binibili. Ngayon ay kakaunti nalang ang mga gamit at hindi na pinaggagastusan ng sobra. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Ate, mas pinili ko nalang ang magbihis habang sila ate ay nag-aayos sa kusina. At ang dalawa naming bisita ay nakikipagharutan kay Bless na hanggang ngayon ay hindi pa rin natutulog. Palabas na ako sa kwarto ni Ate ng makita ko si papa na nakaupo habang hawak niya ang isang tasa na may laman na kape. Walang pagbabago, mahilig pa rin siya sa kape kahit may katandaan na siya ngayon. “Ching, halika muna dito.", tawag niya sa’kin bago nag-umpisa maglakad papunta sa isang katabing kwarto. At bumungad do’n ang isang kwarto na may

