Chapter 37 Sa loob ng mahigit anim na taon, ang puso ko ay punong-puno ng pagsisisi—pagsisisi sa nagawa kong mali, pagsisisi dahil na-disappoint ko ang mga magulang ko at ang sarili ko. Paano ba namang hindi? Isa akong batang ina na walang mapuntahan sa buhay. Minsan akong naging isang pabigat sa magulang ko, pasaway at hindi masaway-saway kaya nga ako tinawag na blacksheep ng lahat. Lahat ng gusto ko ay gagawin ko, walang makakapigil at walang kahit sinong makakapagpatigil. Nangulila ako nang mahabang panahon sa pagmamahal ng magulang. Nakakatawa lang dahil katulad ng asarang pambata na ‘kulang sa aruga’, ayan ako. Kinulang ako sa aruga ng magulang ko. Nagalit ako at nainis kay Ate kahit hindi naman kailangan. Nainis ako sa kanya dahil bakit ba nasa kanya na lang lahat ng atensyon?

