Chapter 35.2 1 YEAR LATER… Ang daming sumubok sa ’kin—sa ’min ng anak ko at sa mga pangarap ko. Isa na roon ang mga taon na minamata kami dahil sa nakaraan ko, dahil sa maaga akong nabuntis at walang ibang pamilya na sumuporta sa ’kin bukod kay Nanay at ang karinderya. Sa karinderya ko napatunayan na kaya ko ang sarili ko, na kaya kong maging responsible sa lahat ng mga bagay na sinasabi ng iba na hindi ko kaya at sa karinderya ko rin nalaman na mahirap ang buhay—ang reyalidad ng mundo. Isa na rito ang mahirap mabuhay nang walang magulang, walang nag-aasikaso, walang nagbibigay ng pangangailangan at walang ina sa tabi. Sobrang hirap. Halos gabi-gabi naiisip ko, gano’n ba kalaki ang kasalanan ko? Bakit ako pa ang nabigyan ng ganitong problema? Pero lahat ng ‘yon ay may dahilan… N

