Chapter 40 “Sorry, Gelo.” Tuluyan kong binaba ang mic at mabilis na tumakbo papalayo sa pwesto ko. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay hindi ko na rin mapigilan ang luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko. “Sorry,” usal ko bago siya mahigpit na niyakap. “Hindi mo kailangang humingi ng ta—“ Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at isang mabilis na halik ang ginawa ko para tumigil siya. Napuno ng pagtataka ang buong mukha niya. Mahigit pitong taon akong naghirap, pinarusahan ang sarili ko dahil sa nangyari sa ’kin. Siguro ngayon, pwede na, ‘di ba? Pwede na akong maging masaya na bukod pa sa binibigay na kasiyahan ng anak ko? “A-Anong i—“ Muli ko siyang binigyan ng isang mabilis na halik. Kung kanina ay punong-puno ng gulat ang itsura ng mga kaibigan namin, ngayon naman

