.Chapter 17.2 Akala ko ay tatanggalin niya ang kamay ko sa likod niya pero nakatingin lang siya sa ’kin habang naluluha pa rin ang mga mata niya. Binalingan ko si Miley. Kita ko ang pagtango niya kaya ngumiti na rin ako. “Ako, hindi ko na kilala ang mga magulang ko. Lumaki ako sa ampunan, kasama ang mga bata na pinabayaan ng mga magulang nila kagaya ko. Naampon na ang mga kapwa ko bata dati pero ako, hindi pa rin kaya naisip ko na baka hindi nila ako gusto o baka pangit ako,” nakangiti na sabi ni Miley bago marahan na tumawa. “Dahil isa akong pasaway, umalis ako sa ampunan para hanapin sila pero hindi pala madali ‘yon. Nakuha ako ng mga sindikato at ang buhay ko, mas naging worst. Pinagnanakaw nila ako—kami ng iba pang mga bata. Once na wala kaming madekwat, bugbog at walang kain ang

