Chapter 17.1 “I told you, Mommy! Hindi ako ang kumuha ng pera nila. They’re just accusing me!” pagtatanggi ni Shia sa ginawa niya. “They’re just accusing you? Really, Shia? So, paano mo ipapaliwanag ang videos na binigay nila?” galit na sabi ng mommy niya. “Mas mabuting hindi ka na magsalita pa, Shia. Mas lalo mo lang pinapalala at pinapahiya ang pangalan natin,” maawtoridad na sabi ng daddy niya sa kanya bago siya tumingin sa pwesto naming lahat. Kagabi, pagtapos nilang mag-away ay agad na pinatawag ni Nanay ang magulang ni Shia. Sa una’y hindi sila naniniwala na magagawa ‘yon ng anak nila pero nang makita nila ang footage ay hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. Kinausap na rin ni Nanay ang mga magulang niya. Isa-isa sa ‘ming nanghingi ng dispensa ang mga ito dahil sa kagagawan ng an

