Saglit kong nilingon si Dos. Nakasandal na siya, nakatingin sa akin habang nilalaro ng daliri ang mesa, pero walang ngiti. Ang mga mata niya, parang sinusuri kung maniniwala ba ako o matatakot. Napalunok ako, nakatitig sa pagkain. Gusto ko nang sumugod at ubusin iyon—ilang araw na halos wala akong maayos na kain. Pero sa likod ng isip ko, naroon pa rin ang pag-aalinlangan. Totoo bang ihahatid nila ako? O isa na namang patibong at paglalaruan na naman ako? “Kakain ka o—” “Kakain… ito kakain na po ako!” sagot ko agad. Saka ako mabilis na umupo sa bangko sa tabi ng mesa. Ang tiyan ko’y kumakalam, pero ang dibdib ko’y puno ng kaba. Ramdam ko na kahit sa simpleng pagkain, hindi ako ligtas. Umupo rin si Dos sa kabilang dulo, saka kinuha ang isang garapon ng kape. Binuksan niya iyon, at sa p

