Kaagad na binitiwan ni Charm ang hawak niyang tray ng lumpia at hinila si Aleyah_ papasok sa loob. “Hoy, bakit? Bakit ngayon pa eh nagkakasiyahan tayo?” takang-taka ang tinig ni Charm, bakas ang pagkalito. “Charm, kahit ngayon lang, puwede bang ‘wag mo muna akong tanungin? Kailangan ko nang umalis ngayon. Hihintayin na lang kita sa bar,” pakiusap niya. Kita ni Charm ang lungkot sa mga mata ng kaibigan, bago siya mabilis na niyakap. Mangiyak-ngiyak na si Charm, ngunit siya mismo ay hindi na makaiyak marahil dahil sa mga masalimoot na pinagdaanan niya, naging mababaw na lamang ang rason ng pamamaalam upang lumuha. Lumabas siya ng bahay habang si Charm ay naghilamos ng mukha upang takpan ang mga luha. “Naku, aalis ka na ba talaga, neng?” tanong ng mga tao sa paligid. Bahagya lamang siyang

