Kabanata - 18

1415 Words

NAKABAGSAK ang likod ko sa malamig na kahoy ng mahabang bangko, habang nakatanaw ako sa kalangitan. Puno iyon ng mga bituin—maliit na kumikislap, tila nanunuya. Parang sila pa mismo ang nagpapaalala na hindi ko kayang abutin ang kahit isa. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga, mahigpit kong niyakap ang sarili kong mga braso, para bang iyon na lang ang natitirang paraan upang maginhawahan ako. At kahit anong iwas ko, bigla na namang sumulpot sa isip ko ang mukha niya. Si Uno. Ang paraan ng mga mata niya kanina, nang halos magtagpo ang titig namin, ni minsan din kasi hindi kami nagkatitigan ng ganoon katagal. Pero pagkatapos… Hindi ko na lang itinuloy sa isip ko ang nangyari kanina. Pumikit ako at pilit nilulunok ang pait. Pilit ko siyang kinakalimutan. Ngunit bakit kahit sa pagpik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD