Nanlaki ang mata ni Charm. “Ha? Kaya pala andami! Akala ko may kasal o fiesta.” Tumawa ng mahina ang babae. “Paano mga kapatid mo kasi… wala namang alam sa ganito. Puro laro lang, hindi marunong pumila. Kung hindi ikaw ang nandiyan, wala silang makukuha.” Si Aleyah naman ay hindi nakapagsalita dahil umalingawngaw sa pandinig niya ang pag-banggit ng babae kay Gov. “Hoy, huwag mong minamaliit ang mga kapatid ko ha? Mga bata pa sila, siyempre laro ang alam!” Nagalit ang babae at iniwan sila. Si Aleyah naman, tahimik lang na nakamasid. Ramdam niya ang init ng ulo ni Charm. “Hala! Pipila tayo!” sigaw agad ni Charm. Mabilis siyang umiling. “Ikaw na lang, Charm. Ako na lang magbabantay sa mga kapatid mo. Ayokong pumila… nahihiya ako sa mga ganyan.” Palusot niya dahil ang totoo ay umiiw

