NAPAAWANG ang bibig ni Aleyah nang makita ang isang pribadong eroplano, hindi kasing laki ng mga nakikita niya sa TV, pero may tatak ng marangya na tanging mga mayayaman lang ang kayang bumuli. “Sumakay ka,” utos ng driver. Walang nagawa si Aleyah kundi sumunod kahit nanginginig siya sa takot. Pag-akyat niya sa hagdan, sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa loob. Tahimik at makinis ang kabina, mga upuang kulay abo, at may pinto pang nakasarado sa cockpit. Napaupo siya sa malapit sa bintana, mariing yakap ang sarili. Hindi nagtagal, umandar ang makina. Mabilis ang pag-ikot ng mga propeller, at bago pa siya makapaghanda, biglang umangat ang eroplano. “Ahhh!” napasigaw si Aleyah, napakapit sa armrest ng upuan. Ramdam niya ang biglang pag-angat ng sikmura, ang kabigat ng dibdib, at a

