Maaga pa lang ay nabigla si Aleyah nang biglang ibato ng kanyang ate ang tinapay sa lamesa. Umagang-umaga, pero muli na namang masama ang timpla ng ate niya, kahit wala naman siyang ginagawang masama. Katatapos lang niyang maglaba ng mga damit nila, at inuna pa niya ang kay Ate para mas mabango sa downy.
“Sa susunod na buwan, ikaw na ang magbayad sa tuition mo! Pagod na akong pag-aralin ka!” singhal ng matanda sa kanya.
“Pero Ate, wala naman akong trabaho—”
“Edi maghanap ka ng trabaho! Mag-working student ka! Pumasok ka sa mga fast food o ‘di kaya, magbenta ka na rin ng bilat mo!”
Parang kinuryente si Aleyah sa lantaran at bastos na pananalita. Napadikit ang kanyang mga hita sa isa’t isa, at nagsimulang manginig ang buong katawan.
“Pagod na pagod na ako, Aleyah! Mula nang mamatay si Inay, pasanin na kita! Eh pareho lang naman tayong anak. Total dese-otso ka na, kumayod ka na rin! Magkanya-kanya na tayo!”
“Pero Ate, kaunting tiis na lang... two years na lang, magtatapos na ako—”
Hindi na niya natapos ang kanyang pakiusap nang biglang isarado ng kanyang ate ang pinto. Tumahimik na lamang siya. Alam niyang kagagaling lang ng ate niya sa club. Matutulog ito buong maghapon at gigising lang para muli na namang lumabas sa gabi. Pero siya, sinigurado na niyang may pagkain si Ate pagbangon, may malinis na tuwalya, at may panligo na sa banyo.
Bitbit ang balde at plastik na batya, lumabas si Aleyah ng barong-barong. Tiniis ang init at amoy ng paligid habang nagtanong sa mga kapitbahay kung may gustong magpalaba. Kahit isang daang piso lang, para makatulong at makabili ng bigas.
“Aling Marsya, may labada po kayo?” tanong niya, pilit pa ring nakangiti kahit nanginginig na ang boses.
Pero hilaw na tawa lang ang isinagot ng matanda.
“Naku ‘ne, kung may pang-downy pa ako, eh ‘di sana naglaba ako ngg brief ng asawa ko!”
Tipid siyang ngumiti at nagpatuloy sa kabilang bahay.
“Tiya Tess, baka gusto niyo pong magpalaba—”
“Neng, tingnan mo nga tong bahay namin. May pambili ba kami ng sabon?” sabay turo ng matanda sa batyang puno ng putik at lumulutang na labada.
Tahimik na tumalikod si Aleyah. Ngunit narinig pa rin niya ang mga usap-usapan.
“’Yan ‘yung kapatid ni Inday, ‘di ba?”
“Yung pokpok?”
“Ang arte ng bata, parang ‘di rin magiging katulad ng ate niya balang araw.”
Hindi na niya pinansin ang mga ito. Tahimik siyang nagpatuloy sa paglalakad sa masangsang at masikip na eskinita ng squatter area sa tabi ng estero. Umaalingasaw ang amoy ng panis na kanin, ihi, at alak. Ang gilid ng kanal ay puno ng plastik, diaper, at minsan patay na daga. Ang putik sa lupa ay may halo ng langis, kaya't bawat yapak ay may banta ng pagkalubog. Ang mga bahay ay dikit-dikit, gawa sa yero, plywood, at lumang tarpaulin ng mga politiko at artista.
Sa kanto, sa tambayan sa ilalim ng kalawangin at lutang na yero, naroon si Boy Iyot—palayaw na hindi na tinatago. Labing-walo pero bulok ang ngipin, laging may hawak na bote ng gin.
“Oy, Aleyah!” sigaw nito. “Wala ka na bang ibang gustong gawin kundi maglaba?”
Hindi siya pinansin ni Aleyah. Ngunit lumapit ito, amoy sigarilyo, laway, at maruming hangin.
“Gayahin mo na lang si Inday. Malaki kita don. Lalo ka pa bata, sariwa. Virgin ka pa ba?”
Parang tumigil ang mundo ni Aleyah. Nanigas siya, hindi makapagsalita. Ramdam niya ang malagkit na tingin ng mga tambay sa kanyang katawan.
“Baka pwede rin kita i-test, libre lang. Hahaha!”
Hinampas niya ito gamit ang planggana, pero tila wala lang. Hindi man lang ito nasaktan. Parang gusto na niyang sumuka. Mabilis siyang tumakbo palayo, habang naririnig pa rin niya ang mga bastos na sigawan.
“Virgin pa nga! Sayang, sarap niyan, ‘tol!”
Nanginginig ang kanyang mga kamay. Pilit niyang pinipigilan ang mga luha. Walang matinong trabaho. Walang matinong tao. Sa lugar na ito, kung hindi ka mandaraya, magpapakantot ka para mabuhay. Pero hindi niya pipiliing gayahin ang kanyang ate. Marami pang paraan.
Nilinis ang putik sa tsinelas bago pumasok sa loob ng barong-barong. Tumingin sa lumang relo—alas-tres y media. Gutom na gutom siya, pero nawalan siya ng gana at wala na rin makain.
Umupo siya sa lamesita. Binuksan ang kupas na bag, at binuklat ang mga reviewer para sa kursong Psychology. Lunes na bukas. Kahit mabigat sa dibdib, pinilit niyang mag-aral.
Sa gitna ng katahimikan, narinig niya ang kaluskos sa papag. Bumangon na si Ate Inday asungit pa rin ang mukha nito. Sabog ang buhok, may bakas ng lipstick sa labi.
“Kape nga...” utos nito.
“Opo, Ate.”
“At kung anong makakain diyan. Ang sakit ng ulo ko.”
Binuksan niya ang maliit na kusina. Kinuha ang huling sachet ng Kopiko Brown at tinimpla. Inihain kay Ate Inay Kasunod ang kalahating pancit canton na niluto niya kaninang hindi niya kinain, baka magutom si Ate. Ininit ito sa kalan na de-uling, nilagyan ng margarine, at inihain sa lumang tinapay.
“Ito lang meron tayo, Ate. Wala na tayong bigas.”
Tiningnan lang siya nito ng masama. Kinagat ang tinapay.
“Aleyah…”
“May nagtanong sa akin kagabi. Interesado sa’yo. Sabi ko virgin ka pa, kaya magbibigay siya ng malaki.”
Parang nahulog si Aleyah sa bangin. Hindi siya makapniwala na ibubugaw talaga siya.
“Sayang ka kasi, ang puti mo, ang kinis. Baka gusto mong sumama minsan. Try mo lang. Isang gabi lang, isang sem ka nang bayad.”
Tahimik lang si Aleyah. Alam niyang kapag tumanggi siya, isusumbat lang sa kanya lahat. Kaya’t tumalikod siya, pumasok sa kwarto, at impit na umiyak sa punda ng unan.
Sa labas, rinig niya ang paghigop ni Ate sa kape, ang kayod ng tinidor sa pinggan, at ang pamilyar na bulong, “Tangina ng buhay ‘to.”
Nang matapos si Ate, agad itong naligo. Dinig ang pagbuhos ng tubig, amoy na amoy ang matapang na sabon—pangtanggal ng amoy ng lalaki.
Si Aleyah nanatiling tahimik sa papag, pilit na nagbabasa kahit nanginginig pa rin ang mga kamay. Nagdidilim na sa labas. Alam niyang darating na naman ang gabi ng kalbaryo.
At hindi siya nagkamali.
Dahil may kumatok.
“Inday! Nandiyan ka ba?” barumbadong boses ng lalaki.
Pulis. Suot pa ang pang-itaas ng uniporme pero bukas ang butones. May hawak na Red Horse. Naka-mask at naka-sumbrero.
Agad na pinagbuksan ito ni Ate, nakasando at tuwalya lang. Nilandi niya agad ang lalaki.
“Pasok ka, Sir. Init no?”
“Init na init sa’yo, Inday.”
Agad bumaba ng papag si Aleyah at gumapang papunta sa ilalim ng katre. May daga, may ipis. Mga upos ng yosi at ang bra ni Ate. Pero mas mabuti na ‘to kaysa makita siya ng pulis.
Dinig niya ang lahat.
“Gusto ko ng bonus?”
“Depende kung gaano mo ko paiinitin.”
Ungol, daing, hataw,. Bawat galaw ng katawan. Bawat hampas ng laman sa laman. Rinig na rinig niya.
“Luhod! Sige, linisin mo. Parang yung baril ko.”
Napapikit si Aleyah atr hindi niya alam kung iiyak o susuka. Parang ginagahasa rin ang buong barong-barong.
Hanggang sa narinig niya ang sigawan:
“Binlowjob na kita, tinira mo pa ‘ko sa puwet, tapos isang libo lang?!”
“Eh ‘yan lang delihinsya ko. Alam mo naman nakay Misis ang sahod ko. Pasalamat ka nga’t ‘di kita binugbog.”
Halos mamugto sa galit ang ate niya. Pinaalis na nito ang pulis at sa mga gamit nila binunton ang inis ng ate Inday niya.