PAGBABA nila sa sasakyan, agad na sumalubong ang mga tauhan ni Mayor, hindi lang mga bodyguard kundi pati mga katulong na nakapustura at naka-uniporme. Halos sabay-sabay ang kanilang pagbati at nakahilera talaga sa gilid ng hagdan paakyat sa ilang baitang na hagdan, “Magandang hapon po, Ma’am!” masiglang bati ng isang kasambahay na nakayuko pa. “Welcome po, Madam!” Lumapit ang isa at agad na inagapayan si Aleyah. “Hinabilin po kayo ni Mayor sa amin. Pasok po kayo, Ma’am.” Hindi sanay si Aleyah na may ganoong pagtrato. Para siyang biglang naging alaga ng isang reyna. Inabot pa ng dalawang katulong ang mga bag nila at halos hindi na sila pinayagang magbuhat ng kahit anong gamit. Pagpasok nila sa mansyon, agad silang sinalubong ng malamig na hangin mula sa aircon, at sa isang iglap, bum

