Tila pinitik ang utak ko habang nakatitig sa lalaking nakatayo sa harap ko. Ang kaninang madilim na silid ay liwanag na liwanag na ngayon dahil sa malaking chandelier sa kisame. Mula sa mga mata niyang kulay abo pababa sa panga niyang matalas, ramdam na ramdam ko ang lakas ng aura niya.
"Look, Mister... I mean, Sir Valerius," mabilis kong panimula habang inaatras ang katawan ko patungo sa pinto. "Magpapaliwanag ako. Hindi ako ang—"
"You know my name," putol niya sa akin. Binitawan niya ang buhok niya at humakbang nang marahan lapit sa akin. " clear that my friend gave you a detailed briefing before sending you here."
"No! Hindi ganun!" sigaw ng utak ko habang nanginginig ang boses ko. "Nagkakamali ka talaga! VIP server ako sa babang lounge. Nagmamadali lang ako kasi—"
" Save the excuses," malamig niyang sabi sabay tingin sa VIP uniform kong may kaunting punit sa gilid. "Is this a roleplay thing? A server costume? My friend really outdid himself this time."
"Roleplay?!" Napadilat ang mga mata ko. "Anong roleplay?! Real life 'to, Boss! Nanalasa ang ex ko kaya ako pumasok dito!"
Hindi siya naniwala. Sa halip, pinalibutan niya uli ako ng tingin mula ulo hanggang paa. May kaunting kurba sa gilid ng mga labi niya na para bang gustong-gusto niya ang nakikitang kalituhan sa mukha ko.
"You're shaking," obserba niya habang lumalapit pa nang isang hakbang. "Are you always this nervous when you're working?"
"Hindi ako kinakabahan dahil sa 'yo!" mabilis kong depensa. "Kinakabahan ako kasi—"
" Kasi ano?" hamon niya, nakataas ang isang kilay habang nakahcross ang mga bisig sa dibdib niyang kitang-kita ang perpektong muscles.
"Kasi may multo sa hallway!" bulalas ko nang walang pag-iisip.
Napatigil siya. Titig na titig siya sa akin na parang natagpuan niya ang pinakatangang tao sa buong mundo. "A ghost?"
"Oo! A ghost!" mabilis kong dugtong. "Isang napakapangit at nambabastos na multo na mukhang cabinet! Kaya pumasok ako rito para magtago sa kaniya!"
Bahagyang lumabas ang isang mahinang tawa mula sa ilalim ng lalamunan niya. A low, dangerous sound. "A ghost. That's the most absurd line I've heard all week."
"Totoo nga—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, biglang nanginginig ang mismong kahoy ng pinto sa likod ko dahil sa malakas na katok.
Tok! Tok! Tok!
"Sigurado akong nandiyan siya!" boses 'yon ni Marco mula sa labas, kasama ang mabigat na tunog ng sapatos ng mga hotel security. "Narinig ko ang boses ng babae sa loob! Buksan niyo 'yang pinto!"
Nawalan ako ng kulay sa mukha. Ang kamay ko ay mabilis na humawak sa gilid ng damit ko habang nakasandal pa rin sa pinto. Kapag nabuksan 'to, huling-huli ako. Mapapahiya ako kay Marco, mawawalan ako ng trabaho, at baka idemanda pa ako ng mismong bilyonaryong 'to ng trespassing.
Tumingin si Valerius sa akin. Tumingin din siya sa pinto na para bang maglalakad na siya para buksan 'yon.
"I don't like uninvited guests," malamig niyang sabi sabay hakbang patungo sa handle ng pinto. "Let me deal with whoever is out there."
"Huwag!" bulong ko sa sobrang panic.
" Why not?" tanong niya, nakatitig sa akin nang diretso. "If it's just a ghost, I can handle it."
"No, please!" pakiusap ko habang hinahawakan ang braso niya. Napakainit ng balat niya pero wala na akong oras para mag-inarte. "Huwag mong bubuksan!"
"Give me one good reason," sabi niya, walang kabakas-bakas ng awa sa boses niya.
Wala nang oras. Maririnig na ang keycard na sinusubukan na ipasok ng security sa lock sa labas.
Wala na akong ibang maisip. Pikit-mata kong hinila pababa ang leeg ni Valerius. Bago pa man siya makapagsalita o makagalaw, inilapat ko uli ang mga labi ko sa labi niya.
Inasahan kong magagalit siya o itutulak niya ako palayo, pero pareho kaming natigilan nang maglapat ang mga labi namin sa ilalim ng maliwanag na ilaw. Mas mabilis ang t***k ng puso ko ngayon kumpara noong nasa dilim kami. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya at ang init ng paghinga niya.
Sa labas, narinig ko ang boses ng security manager. "Sir Marco, pambihira naman, presidential suite 'yan ni Mr. Croix. Walang pwedeng pumasok dyan nang walang permiso."
"Tingnan niyo lang!" sigaw uli ni Marco.
Sa loob ng kwarto, huminto ang oras. Si Valerius, na nung una ay nanigas sa gulat, ay biglang kumilos. Ang dalawang kamay niya ay mabilis na humawak sa bewang ko. Hindi niya ako itinulak palayo. Sa halip, inilapit niya pa ako sa kaniya hanggang sa maipit uli ako sa pagitan ng pader at ng matigas niyang dibdib.
Pinalalim niya ang halik. Mas matindi, mas mabilis, at mas agresibo kaysa kanina sa dilim. Naramdaman ko ang mga daliri niya na gumagapang sa likod ko, nag-iiwan ng init sa bawat daanan nito. Ang buong katawan ko ay parang natutunaw sa paraan ng paghalik niya na tila ayaw na niya akong pakawalan kailanman.
Nakalimutan ko ang banta sa labas. Nakalimutan ko kung sino siya at kung sino ako. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang bawat paggalaw ng mga labi niya na nagdudulot ng kuryente sa buong katawan ko.
Dahan-dahan siyang humiwalay nang bahagya, sapat lang para makahinga kami pareho. Nakatitig siya sa akin, malamig pa rin ang mga mata pero may halong matinding interes na ngayon.
Mula sa labas ng pinto, muling narinig ang boses ni Marco na may kasamang galit at kasiguraduhan.
"Sigurado akong nandiyan siya."
Dahan-dahang itinaas ni Valerius ang tingin niya mula sa akin patungo sa pinto.
Pagkatapos, pabalik sa mukha ko.
At sa gitna ng tensyon at kaba ko, unti-unting lumabas ang isang mabilis, delikado, at napakagwapong ngiti sa mga labi ng bilyonaryo.