CHAPTER 5: THE BILLIONAIRE'S ACCUSATION

925 Words
Nanlamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa pulang linyang nakaturo sa screen ng tablet. Naka-highlight doon ang pangalan ko, ang employee ID number ko, at ang oras kung kailan daw ginamit ang access card ko sa restricted elevator papunta sa ikawalong palapag. 3:15 PM. "Nababaliw ka na ba?" galit kong tanong sabay tulak sa tablet palayo sa mukha ko. "Alas tres nung hapon? Nagsisipilyo pa lang ako sa apartment ko nung oras na 'yan! May resibo ako sa jeep! May CCTV sa convenience store sa tapat ng bahay namin kung saan ako bumili ng kape nung alas kuwatro!" "I'm not saying you were physically there, Kisses," maahabang paliwanag ni Valerius habang ibinababa ang tablet sa gilid ng mesa. "I'm looking at the digital trail. Somebody cloned your ID card." "At bakit naman gagamitin ang ID ko?" napapailing kong tanong sa sobrang inis. "Sino ako? Isang simpleng part-time server lang ako na pumasok lang kagabi para kumita ng pambayad sa kuryente! Bakit idadamay ng kung sinoman ang pangalan ko sa kalokohan niyo rito sa napakalaking hotel na 'to?" Tinitigan ako ni Valerius nang napakalalim. Walang pag-aalinlangan sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. "I believe you," seryoso niyang sabi. Napatigil ako. "What?" "I said, I believe you," pag-uulit niya sabay de-kuwatro sa gilid ng sofa. "Kung ikaw ang ginamit ng taong 'yon para makapasok sa suite ko, hindi ka magsisigaw sa harap ng ex-boyfriend mo sa hallway. You wouldn't make a scene. You wouldn't draw attention to yourself." Huminga ako nang malalim, medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko dahil kahit papaano ay may natitira pa palang utak ang bilyonaryong 'to. "Salamat naman at narealize mo," bungad ko. "So ibig sabihin, nakawan lang talaga 'to ng access code, o kaya naniwala 'yong system sa pekeng card. Wala na akong kinalaman dyan." "Not entirely," giit niya. "Ginamit ang ID mo. Meaning, whoever planned this knew exactly who you were, when your shift would start, and which floor you'd be assigned to. You're part of this now whether you like it or not." "Ayoko nga!" sigaw ko sabay maanghang na pag-iling. "Ayaw kong makisali sa buhay ng mga mayayaman! May sarili akong mga problema! Hindi ko kailangan ng dagdag na sakit sa ulo mula sa 'yo o sa kalaban mo!" "I can help you," alok niya bigla. Ang boses niya ay naging banayad, puno ng kumpiyansa na para bang ang bawat problemang umiiral sa mundo ay kayang lutasin ng pera niya. "I can hire the best private investigators. I can track down whoever cloned your access card in less than twenty-four hours." Napatitig ako sa kaniya. Tumingin ako sa mamahalin niyang damit, sa napakalinis niyang kuwarto, at sa paraan ng pagtingin niya sa akin na parang sanay na sanay siyang nagliligtas ng mga taong nasa ibaba niya. "No thanks," mabilis kong sagot. Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang hindi accustomed na tinatanggihan ang mga alok niya. "Why not?" Dumeretso ako ng tayo at hinarap siya nang buong tapang. "Dahil hindi lahat ng lalaking may pera ay automatic na may karapatang kontrolin ang buhay ko," maangas kong sagot sa kaniya. Sandaling tumahimik ang buong suite. Inasahan kong magagalit siya, na sisigawan niya ako o ipapatapon sa security dahil sa kapangahasan ko. Pero sa halip na magalit, unti-unting lumabas ang isang mabilis at napakagwapong ngiti sa mga labi ni Valerius. "Good," maikling sabi niya. Napakunot ang noo ko. "Anong good?" Inayos niya ang kwelyo ng kaniyang damit habang nakatitig sa akin nang may kakaibang lambing at tensyon sa mga mata. "I don't like women who agree with me. It gets boring very quickly." Ewan ko ba pero biglang uminit ang dalawang pisngi ko sa sinabi niya. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatitig kami sa isa't isa sa gitna ng kuwarto. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang kuryente sa pagitan naming dalawa, 'yong kuryenteng naramdaman ko noong hinalikan ko siya sa dilim. Mabilis kong iniwas ang tingin ko bago pa ako tuluyang mawala sa sarili. "Ewan ko sa 'yo," bulong ko sabay kuha ng bag ko. "Aalis na ako." Hindi na niya ako pinigilan. Binuksan ko ang pinto ng suite at mabilis na naglakad palayo sa hallway na 'yon. Pagkababa ko sa ground floor sa pamamagitan ng service elevator, dumeretso agad ako sa VIP Server Operations Office para mag-tap ng attendance para sa sunod kong shift. Inilapat ko ang ID card ko sa scanner sa pader. BEEP. BEEP. BEEP. Lumalabas ang malaking pulang text sa screen: ACCESS DENIED. ACCOUNT SUSPENDED. Napatitig ako sa screen. Sinubukan ko uli nang tatlong beses pero pareho pa rin ang lumalabas. Biglang lumabas mula sa pinto ang supervisor namin, may hawak na clipboard at masama ang tingin sa akin. "Kisses Villaruz?" mataray nitong tanong. "Opo, Ma'am," sagot ko. "May problema po ba sa card ko? Ayaw kasing mag-scan e." "Suspended ka," malamig nitong sabi. "May instruction mula sa upper management na i-hold ang access mo dahil sa security breach kagabi sa eighth floor. Under investigation ka muna. Huwag ka muna papasok hangga't hindi ka tinatawagan ng HR." Parang guho ang mundo ko sa narinig ko. Nawalan ako ng trabaho. Ang nag-iisang gig na inaasahan ko para sa renta at pagkain ngayong buwan ay nawala nang parang bula sa loob lang ng isang gabi. Lalabas na sana ako ng hotel habang bagsak ang mga balikat nang biglang mag-vibrate ang telepono ko sa bulsa. Isang text message mula sa hindi kilalang numero ang lumabas sa screen. "You have one hour to decide whether you want answers. My driver is waiting for you outside."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD