CHAPTER 4: THE SILVER WATCH

796 Words
Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko habang pilit na inaalala ang bawat detalye ng lalaking nakasalubong ko sa hallway kagabi. Napaatras ako nang kaunti dahil sa biglang pagbabago ng aura sa buong kwarto. "Ilarawan mo siya," utos ni Valerius. Ang boses niya ay wala nang bakas ng pang-aasar o kalokohan. Tila ba bawat salitang lalabas sa bibig ko ay may halagang milyon. "Matangkad siya," panimula ko habang nakatingin sa kisame para mag-isip. "Naka-black suit din katulad ng ibang VIP guests. Pero nung papalapit siya sa kanto, mabilis siyang lumiko. Ang tanging malinaw ko lang na nakita ay 'yong kaliwang kamay niya kasi iniaayos niya 'yong sleeve niya. May suot siyang napakalaking silver watch. Kumikislap pa nga kasi tumama 'yong ilaw ng emergency light doon e." "Ano pang nakita mo? Ang mukha niya? May tattoo ba siya? Anong kulay ng buhok?" mabilis niyang tanong habang lumalapit sa akin. "Sir, tumatakbo ako noon dahil sa ex kong mukhang aparador, okay?" depensa ko habang itinataas ang dalawa kong kamay. "Hindi ko naman ginustong kilalanin ang bawat taong makakasalubong ko sa hallway. Silver watch lang talaga ang natandaan ko kasi halos masilaw ako nung dumaan siya sa ilalim ng ilaw." Tumingin sa akin si Valerius. Sa unang pagkakataon mula kagabi, nakita ko ang isang bagay sa ilalim ng napakatayog niyang kayabangan. Takot. Hindi 'yong takot ng isang taong nabigla, kundi ang sobrang pamilyar na takot ng isang taong nakakaalam kung gaano kadelikado ang kalaban niya. Nanlamig ang mga daliri niya habang mabilis niyang kinakalikot ang kaniyang telepono. " Security, this is Croix," malamig niyang sabi sa tawag. "Pull up the CCTV footage of the eighth floor. Specifically the hallway outside Suite 808 between 7:50 PM and 8:00 PM yesterday." Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood siyang maglakad-lakad sa malawak na living room ng suite. Ilang segundo lang ang lumipas, narinig ko ang boses ng security head sa kabilang linya, medyo nanginginig at puno ng kaba. "M-Mr. Croix... Sir, chineck na po namin 'yong system," sagot ng lalaki sa kabilang linya. "Pero may problema po." "Anong problema?" maikling tanong ni Valerius. " Sir, missing po 'yong footage mula 7:52 PM hanggang 7:58 PM. Burado po 'yong buong anim na minuto. Blanket black out po ang lumalabas sa server natin." Nanahimik ang buong silid. Dahan-dahang ibinaba ni Valerius ang telepono mula sa tainga niya. Humarap siya sa akin, at sa pagkakataong ito, mas lalong naging mabigat ang hangin sa pagitan naming dalawa. "Anong nangyayari?" tanong ko. Hindi ko na napigilang magtanong dahil nararamdaman kong nadadamay na ako sa isang bagay na mas malaki pa sa akin. "Sino 'yong lalaking may silver watch? Bakit burado 'yong CCTV? May nagnakaw ba rito sa suite mo habang wala ka?" "It's none of your business, Kisses," tipid niyang sagot habang walks patungo sa mesa para kumuha ng baso ng tubig. "Anong none of my business?!" napasigaw na ako sa inis. "Mister, pumasok ako sa kwartong 'to dahil sa maling akala, hinalikan mo ako, pinagkamalan mo akong bayaran, at ngayon parang sangkot pa ako sa kung anong krimen na nangyari rito! May karapatan akong makaalam!" Humarap siya sa akin habang hawak ang baso. "Ang karapatan mo lang ngayon ay tumahimik at lumabas sa pintong 'yan kung ayaw mong mas lalong gumulo ang buhay mo." Nanggigil ako sa sinabi niya. Masyado siyang mataas. Masyado siyang sanay na utusan ang lahat ng tao sa paligid niya. "Alam mo, napakasama ng ugali mo," galit kong sabi sabay dampot ng sapatos ko sa sahig. "Salamat na lang sa libreng tulog at sa mamahaling kumot. Aalis na ako. At sana lang, huwag na tayong magkikita kahit kailan!" Mabilis akong naglakad patungo sa pinto. Hahawakan ko na sana ang handle para tuluyang lumabas at iwan ang nakakalokong bilyonaryong 'to. " You can leave," boses niya mula sa likod ko. Calm, precise, and haunting. "But before you step out of that door, you should know one thing." Huminto ako sa paggalaw. Hindi ako lumingon pero nakikinig ako. " Someone wanted you in that room, Kisses." Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. "Anong pinagsasabi mo?" Ipinakita niya sa akin ang tablet na hawak niya mula sa security desk. May nakasulat doon na digital access report para sa buong hotel ngayong araw at kagabi. " Ang sabi mo, kagabi ka lang dumating sa hotel para sa unang shift mo bilang VIP server, 'di ba?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit sa akin. "Oo. Around 6:30 PM ako pumasok sa staff entrance." Ipinaharap niya ang screen ng tablet sa mismong mukha ko. May nakatutok na pulang linya sa isa sa mga datos. "Then explain this," malamig niyang sabi. "Your employee ID pass was scanned at the restricted elevator to the eighth floor yesterday at 3:15 PM. Three hours before you even stepped inside the hotel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD