bc

Beloved x Survival

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
lighthearted
scary
like
intro-logo
Blurb

"You cannot fix anything anymore!"

Mga katagang matagal na niyang gustong sabihin sa kahit sinong malapit sa kaniya. Lalong-lalo na sa kaniyang tinuring na kuya. Sa buong buhay ni Joyce, akala niya ay totoo ang lahat ng nangyayari sa buhay niya, kaniyang buhay, at kaniyang pamilya. Pero hindi pala. Peke lang pala ang lahat. Ngayong bumalik siya, maibabalik pa ba ang dating siya? Ano nga ba siya noong hindi pa niya alam ang lahat? Sino nga ba siya? Sino ba talaga siya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: "Is it that time of the year?"
She doesn't care. Wala siyang pakialam sa mga nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya. Bakit? Hindi niya rin alam. Hindi niya lang alam kung paano. Hindi niya alam kung papaano niya haharapin ang mga katotohanang tinago sa kaniya sa loob ng mahabang panahon. Hindi na niya alam kung paano paniniwalaan ang mga taong akala niya’y mapagkakatiwalaan. Imbes na harapin niya ay mukhang wala na siyang mukhang maihaharap sa mga taong minsan na niyang pinagkatiwalaan kaya naman ay nagpakalamig na lamang siya sa lahat. Sa kaniyang mga kaibigan, pamilya at kung sino man. Tunog ng isang telepono ang bumungad kay Joyce kinaumagahan na nagpapangit ng kaniyang araw kaya naman ay sinagot niya ito kahit hindi pa niya nakikita kung sino ang tumatawag sa kaniya. "Hello!" Bati nitong padabog habang nakapikit pa. "...Hi Joyce!" "Sino ka?" Tanong niya sa kaniyang kausap na para bang wala siyang pakialam. "Ano ka ba naman! Nagbakasyon ka lang, kinalimutan mo na ako." Sabi ng kaniyang kausap sa kabilang linya ng telepono. "Tatanungin ba kita kung kilala kita?" Tanong niya na irita pa rin. "Haynako. Ako 'to si Charlene!" Sa wakas ay ibinahagi na rin ng kaniyang kausap ang kaniyang pangalan. Na agad naman pinatayan ni Joyce ng telepono dahil kilalang kilala na ni Joyce ang kaniyang kaibigan. Sigurado siyang magkukwento't magkukwento na naman ito ng marami. Dahil nga ay ginising na siya ng kaniyang kaibigan, naisipan na ni Joyce na bumangon at inayos ang kaniyang higaan at ginawa ang kaniyang dapat gawin. Pagkatapos ay bumaba na siya patungo sa kanilang hapagkainan. Kalaunan ay nakita niya ang kaniyang ina at kuya na kumakain na. "Good morning, Joyce. How's your sleep?" Tanong ng kasama niya sa bahay. Umupo muna sa kaniyang silya si Joyce bago nito tignan ang kumausap sa kaniya. Makikita sa mukha nitong masaya siyan makita si Joyce na kasama nila sa hapag. "Okay lang naman po." Sabi na lamang ni Joyce at linantakan na niya ang kaniyang pagkain.Napatingin naman kay Joyce ang isa pa nilang kasama sa hapag. Hindi naman ito pinansin ni Joyce. Pinagpatuloy lang ni Joyce ang kaniyang almusal habang pinapanood lang siya ng dalawa niton kasama sa hapag kainan. Katahimikan lang ang napayagpag sa loob ng hapag kainan. “Oo nga pala. Babalik na ang Papa niyo sa susunod na buwan.” Napatigil naman si Joyce sa kaniyang pagkain pero pinagpatuloy niya pa rin ito pagkalipas ngg ilang segundo. “Nagpapatanong siya kung anong usto mong pasalubong Joyce.” Sambit ng kasama niya sa bahay. Napahingang malalim si Joyce habang patuloy na kumakain. “...Wala naman po akong gusto.” Sabi na lang niya at tuluyan nang tinapos ang kaniyang pagkain. Pinanood lang siya ng dalawa niyan kasama habang siyang papaalis sa kanilan dining room. Nagkatinginan naman silang dalawa at napabuntong hinina na lang ang isa. "By the way Joyce." Napatingin si Joyce sa tumawag sa kaniya at tinignan niya lang ito. "Is it that time of the year?" She asked her who just nodded na ikinalungkot naman nito. Pagkatapos n'on ay wala nang nagawa ang dalawang kasama ni Joyce sa bahay at hinayaan na lang siyan kunin ang ma amit nito para pumasok na sa klase. Dumiretso naman si Joyce sa labas ng kanilang gate. Lumingon lingon muna si Joyce sa paligid at tsaka pinagpatuloy ang kaniyang paglalakad paalis. "Oi Joyce. Ayaw mo talagang sumabay?" Tanong ng isa niyang kasama sa bahay. Hindi na lang niya ito pinansin at dirediretsong naglakad paalis. Wala namang itong nagawa at sumakay na lang ito sa kotse na naghahatid sa kaniya papasok sa kanilang pinapasukang Unibersidad. Kahit na magkapareho naman sila ng pinapasukan ay mas pinipili ni Joyce na hindi sumabay sa kaniya. Ang rason niya ay ayaw niya lang. Ganoon lang kasimple kaya naman ay pinababayaan lang siya nito. Mabuti na lamang at pribado ang lupa na tinitirhan nila kaya naman ay malaya siyang maglakad patungo sa pinakalabas na gate para sumakay ng taxi. "Taga-roon ka ba Miss?" Tanong bigla ng driver ng sinasakyan niyang Taxi. "Hindi po." Sabi niya "Doon kasi nakatira ang mga Emporio. Idol sila ng anak ko." Pagkukwento ng Taxi Driver. "Bakit naman po?" "Ewan ko nga rin eh. Mayayaman tsaka mababait daw sabi ng anak ko. Nabalitaan ko rin na mayroon silang foundation para sa mahihirap." "Nakalista na po ba kayo roon?" Tanong niya sa driver na ikinatingin naman sa kaniya mula sa rear mirror. "Naku Iha. Hindi na ako aasa na mabibigyan kami." "Bakit naman po?" "Masyado nang maraming nakalista roon baka di na kami abutin." "Ano pong pangalan niyo?" "Ako? Bakit mo naman naitanong?" "Wala naman po. Gusto ko lang pong malaman ang pangalan ng isang dakilang ama." Sabay bigay ng ngiti sa driver. "Naku nambola ka pa Iha. Marcelo Pidal ang pangalan ko. Oh siya, malapit ka na sa destinasyon mo." Sambit nito. Inayos naman ni Joyce ang kaniyang sarili at tsaka bumaba. Binigyan niya ng dalawang libo ang taxi driver na ikinagulat niya. "Keep the change po." Sabi na lang ni Joyce at umalis na ng tuluyan. "Naku salamat nang marami Iha. Patnubayan ka sana ng Diyos." Sambit na lang ng taxi driver at tsaka pinaandar ang kaniyang sasakyan ng may ngiti sa labi. Pagkarating ni Joyce sa kanilang Unibersidad ay agad namang bumungad sa kaniya ang hiyawan at kumpulan ng mga estudyante na para bang mayroong concert sa kalagitnaan ng catwalk. Napabuntong hininga na lang siya nang makita ang mga pamilyar na mukha sa gitna ng kumpulan. Napabuntong hininga na lang si Daryl sa dami ng mga taong nakatingin sa kanila na para bang mga Float na pinaparada sa Metro Manila Film Festival. Halos lahat kumakaway sa kanilang magkakaibigan. Hindi niya mawari kung bakit. Naisip niyang ito ang dahilan kung bakit ayaw sumabay ng kaniyang kapatid sa kaniya papasok ng Unibersidad. Kung hindi lang talaga sa nangyaring iyon na kinadahilan ng mga matang iyon ay hindi rin ito gagawin ni Daryl. Sadyang mahal niya lang ang kaniyang kapatid at handa siyang protektahan ito. "Hindi rin ba rito mag-eenroll ang kapatid niya? Andito naman yung kuya niya ah." Rinig niyang bulong ng isa sa mga nanunuood sa kanila. Napabuntong hininga na naman siya at tsaka nirolyo ang mata. Bakit nga ba ang hihilig ng mga tao mangi-alam ng buhay ng may buhay? Hindi ba nila alam ang phrase na “Mind your own business?” Hindi niya rin maaring sabihin na naririto na siya sa Unibersidad na ito dahil baka pagpiyestahan siya mamaya. At alam niyang pinaka-ayaw ni Joyce ‘yon. Nakalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell na nagsasabing sampung minuto na lang at magsisimula na ang kanilang klase. Kaya naman ay umalis na ang ibang mga estudyante para pumasok sa kani-kanilang mga silid-aralan. Agad naman siyang tumungo sa building ng Political Science kasama ang dalawa sa kaniyang mga kaibigan. Ang apat naman na naiwan ay nagtungo na rin sa kani-kanilang building - isa sa Business Administration at ang tatlo naman ay sa Sports. Nagtungo naman si Joyce sa kaniyang silid-aralan sa building ng English Department. Pagkarating niya roon ay may mga estudyante na ring nasa loob na magiging kaklase niya sa loob ng huling taon ng kolehiyo. Hindi nga lang siya sigurado kung tatagal siya rito na hindi nakikilala dahil may mukha siyang kilalang kilala. At alam niyang pinagtitinginan siya ng kaniyang mga bagong kaklase dahil bago lang ang kaniyang mukha sa kanila dahil kakatransfer niya lang rito sa section na ito sa huling taon pa ng Kolehiyo. "Uy nakita niyo ba sila?" Rinig niyang tanong ng isa sa kaniyang mga kaklase habang siya'y umupo sa may harapan sa isang bakanteng upuan. "Oo! Ang gugwapo nila! Nagpapasalamat talaga ako at nakapasa ako sa school na 'to." "Sana all! Dumiretso na ako dito eh. Masyadong maraming tao kanina kaya hindi ko sila nakita." "Baka naman. Puntahan ko kaya sila mamaya pagbreak. Alam niyo ba kung anong classroom nila?" "Hindi eh." "Sayang naman." Pagkarinig niya n'on ay napailing na lamang siya at tumingin sa labas, binabantayan kung darating na ang prof o ang time keeper. Napabuntong hininga na lang si Joyce dahil ito na ang simula ng kaniyang pagharap sa mga kailangan niyang harapin dahil pagod na rin siyang tumakas sa mga bagay na hindi niya malubayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.9K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
68.7K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
24.6K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
53.1K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
199.1K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook