bc

Behind the Veiled Truth

book_age18+
209
FOLLOW
1K
READ
possessive
bitch
twisted
bxg
mystery
multi-character
city
illness
lies
like
intro-logo
Blurb

Wala akong kahit na anong maalala. Ang sakit-sakit nang ulo ko! Para akong nasa loob ng taong may Hang over, ganoon ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung anong nangyayari sa paligid ko? Basta ang alam ko pag-mulat ko ng aking mga mata. Nasa ayos ang lahat pero may parte sa buong pagkatao ko nag-sasabing may kulang. At yon ang kailangan kong malaman!

chap-preview
Free preview
BTVT #1: Present
I'm a b***h! Yes, I am calling myself a b***h. Rebellious young lady and Oo somehow parents ko ang pinaka-sinisisi ko kung bakit ako nag-rerebelde sa buhay and at the same time... Wala lang! Bored lang ako masyadong walang ibang magawa sa buhay. Bet ko lang rin minsan ang mag-inarte, Oo. To those people na mag-sasabi sa aking wala akong K mag-inarte sa buhay... You better back off!! Wala kang ambag sa buhay ko, kaya wala ka ring karapatang pakielamanan o pang-himasukan kung paano ko patakbuhin ang Lifestyle ko. I'm only child and being nag-iisang anak... I get everything that I want. But my Mom is always busy. May sarili siyang mundo. Mas nakatuon pa ang atensyon niya sa Negosyo niya kaysa sa akin na anak niya. I never met my father, not even once! Kaya itinuring ko na siyang patay at burado sa mundo naming dalawa ng Mom ko. At saka isa pa... yon na rin naman ang araw-araw na ipinapamukha sa akin ng Nanay ko. Na wala na akong Tatay at wala na akong karapatan na makilala pa siya. He abondoned me and my mom. At wala na akong idea if he's still alive or not. I'm actually living the life. May marangyang buhay. Malaking bahay. Maraming pera pero sa kabila nang lahat ng iyon hindi ako masaya. Hindi ko kasi makuha yung satisfaction na gusto ko in life. Ang daming bagay na itinatanong ko palagi sa aking sarili. Pakiramdam ko mayroong napakalaking parte sa akin na kulang sa buong pagkatao ko na kailangan kong malaman na hindi ko ma-figure out kung ano. I am living with the maid na hinired ng Mom ko para sa akin. Para daw may makasama ako at may nakakausap sa bahay! Madalas naman kaming mag-face time ni Mommy pero iba pa rin talaga kapag nakikita mo siya ng personal. Nahahawakan at nararamdaman mo yung presensya ng taong kausap mo. Masisisi ba ako nang mga taong nakapaligid sa akin kung bakit ako humantong sa kung sinong tao ako sa ngayon? Saka may rason ako actually kung bakit ako nagka-ganito. And don't even questioned me for being like this ha! Don't you dare! Madalas akong umaalis ng bahay, dahil ayoko ng nasstock ako sa iisang place. Hindi ako mapakali at feeling ko tutubuan ako ng Anxiety anytime. Nakakatakot yung masyadong tahimik. That's why sa pag-gimik ko nakikita at napifeel ang pag-kakaroon ng Peace sa aking sarili. Doon ko mas nararamdaman yung pagiging ako. Doon ko mas nakikita ang sarili kong masaya at doon ako mas nagiging malaya. I'm living my life aimlessly. I just do whatever the hell I want just to fill the void inside me. I drink. I smoke. The girl who loves to party and yes I experienced a lot in life. Dagdag ko na yung papalit-palit ng boyfriend I thought I will be forever wander in a empty space. I accept na ganito na yung fate ko. Sa ganoong eksena na lamang usually umiikot ang buong mundo ko. At proud kong sasabihin sa harapan nang kahit sinong tao na hindi ko napapabayaan ang sarili ko. Even iyong pag-aaral ko kahit na nagiging ganoon ang palaging ginagawa ko. Sinabi ko na rin sa aking sarili na baka never ko nang makita ang self ko na magiging genuinely happy with someone. I'm totally broke! I don't have a good family background. Wala akong masyadong kaibigan. My relationship to my mom is not that good. Until I met this someone. He turned my world up side down. Sa kanya ko naramdaman kung paano ulit maging masaya. Yung saya na mararamdaman mo talagang totoo at walang halong kahit na anong ka-negahan! Sa kanya ko naiopen ang sarili ko sa mas maraming bagay at pag-kakataon. We actually loved each other. He really cares for me and more than that... Palagi niyang iniisip at inuuna ang kapakanan ko bukod sa sarili niya. Siya yung isa sa mga taong hindi nang-iwan sa akin. He is my safe haven! Akala ko... Hindi na ako makakatagpo nang taong tatanggapin ako ng buong-buo at mamahalin ako sa kung sino ako. Pero lahat ng pamantayan ko sa buhay. Lahat nang iyon nag-iba at binago niya. Ganon kalaki ang naging impact niya sa buhay ko! The big part of me is from him. Not until... Magising ako sa isang matagal na pag-kakatulog. Then I realized na lahat nang iyon ay isa lang pa lang masayang panaginip. Nagising ako sa isang malaking pangyayari nang buhay ko na masasabi kong sana hindi na lang inallow na mangyari sa buhay ko! Na yung bumago sa ilang pananaw ko sa buhay... Lahat iyon nag-iba at nag-laho. Lahat nang iyon kabaligtaran. Dahil isang malaking What if's lang pala ang lahat! To the point that I even questioned myself. Do I deserved to be happy? Like darating pa kaya yung time na ako naman yung makakaramdam ng Genuine Happinees? Deserve ko naman siguro ang maging masaya hindi ba? Ano bang nagawa ko para maging ganoon kasilamuot yung takbo ng buhay ko?! Ano bang naging kasalanan ko? Pero... Dapat ko rin namang ipag-salamat na kahit minsan hindi ba naging happy ako with that someone. Na minsan akong nakaramdam nang tunay na pag-mamahal. May nag-mahal sa akin kahit sandaling panahon na iyon! Kaya lang hindi ko naman lubos na akalain na yung saya na iyon ay babawiin rin lang agad sa akin. Ang bilis nawala e! Ang bilis nag-bago. Bakit naman binawi agad? Maybe may nagawa ako or may kasalanan ako kung bakit humantong kaming lahat sa ganoong pangyayari! Should I blame myself for being like this? Like kung ako naman ang tatanungin hindi naman sinasadya yung nangyari e! Hindi ko naman alam na ganon yung puwedeng maging ending namin. It was all an incident! It was all unexpected. Nothing more nothing less. Sa pag-kakaalam ko wala naman akong ginawang mali. Because all I do is to protect us. To protect our relationship para hindi kami tuluyang masira. Cos for me... Everything is like a Fairy tale. It was good. It was great and it was perfect! Kahit sino naman hindi ba, gagawin ang lahat para maisalba yung kahit na anong bagay na mayroon ka na matagal mo nang iniingat-ingatan. Ganon rin naman yung gagawin nang kahit sino. Kasalanan na ba ngayon ang mag-mahal ng lubusan? Kagigising ko lang at sobrang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Napaupo na muna ako saglit bago ako tuluyang umalis at tumayo sa aking bed. Nag-passed out pa ako nong isang gabi gawa nang hanggang ngayon sobrang sakit pa rin ng ulo ko. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang mapasapo na lamang sa aking noo dahil sa hilong nararamdaman ko. Ang sama nong pakiramdam ko na hindi ko maintindihan. Kaya I decided to take a shower para kahit papaano mabawasan yung nararamdaman ko. Bumaba na rin akong agad galing sa second floor nitong bahay, to make some coffee. Nang marinig kong may nag-dudoor bell pala doon sa labas. Diretso ko pang binuksan iyong pinto hanggang sa bumungad sa akin yung dalawang lalaki na naka-police uniform. "S-sino po sila, Ano pong kailangan ninyo?" "Police officer Martin, Ma'am from Sitio Mariano station." "Gusto lang po sana namin kayong maimbitahan sa presinto para sa ilang statement tungkol kay Mr. Joaquin Paul Sebastian." Nanlaki iyong mata ko nang marinig ko ang pangalang binanggit nila sa harapan ko. "H-ha? Bakit a-anong nangyari sa kanya?" Medyo nauutal-utal ko pang tanong doon sa dalawang Pulis na katapat ko. I don't have any idea. What's happening? Nasaan si Joaquin? Bakit suddenly may mga pulis na susulpot sa bahay at gusto akong i-interrogate? "Sumama na lang po muna kayo sa amin, Ma'am para doon namin maipaliwanag ang lahat sa inyo ng maayos." Hindi na ako nag-salita pang ulit sa kanila at diretso ko na lamang na kinuha iyong Jacket na nakasabit sa rack na nasa tapat noong Pintuan nitong bahay. Diretso akong sumunod sa mga Pulis at sumakay doon sa sasakyan kasama nila. "Sunod po kayo sa akin, Ma'am." Sabi noong isang pulis na sumalubong sa akin pag-dating na pag-dating namin doon sa Police station. Napamasid-masid pa ako doon sa Paligid nag-babaka sakaling may kakilala akong makikita dito sa loob. Like si Tita and Tito pero hindi ko sila nakita. Naupo na ako doon sa chair na nasa harapan nitong isang rectangular table at nanahimik na muna ako doon saglit habang nag-iisip tungkol sa ilang mga bagay. "Sandali lang po, Babalikan ko kayo Ma'am." Hindi ko na pinansin yung taong nag-salita na kasama kong pumasok dito sa isang maliit na kuwarto. "Good morning mga Sir, Nandito kami ng asawa ko para sana mang-hingi nang any update regarding sa nireport namin kagabi dito sa inyo. Is there any information or lead kayo na nakuha about my son, Joaquin?" "Please, Officer... We want to be updated!" Napalingon ako roon sa pinto dahil sa mga narinig ko. Hindi ko masyadong maaninag kung sino yung mga actual persons na nasa labas but I am sure na si Tita sonia iyong narinig kong nakikipag-usap sa isa sa mga pulis na nasa labas nitong silid. "Sa ngayon, Ma'am wala pa po. Pero may isang tao kaming kukuhanan ngayon ng statement na maaaring makapag-bigay sa atin ng lead tungkol sa pag-kawala ng anak ninyo." Tatayo na sana ako para lumabas sa room kung nasaan ako nang marinig ko ulit si Tita. "May we know, Sir. Kung sino yung sinasabi ninyong tao?" "Ayon sa Phone calls history through simcard number nang inyong anak, Mr. and Mrs. Sebastian... Si Ms. Kennedy ang huling nakausap niya." "Si K-kennedy? Maybe she knows what happens to our son, Joaquin, Baka alam niya kung nasaan ang anak ko.Nandito ba siya ngayon?" "Yes, Ma'am. Kaya sa ngayon po, kailangan inimbitahan namin siya para sa kahit saglit na interview para sa aming investigation. Baka sakali pong matulungan niya tayo masagot ang ilan sa mga katanungan ninyo tungkol sa mga nangyayari." "Mag-hintay na lang po muna kayo dito, Ma'am at pag-katapos po nong questioning and interrogation na isasagawa namin ay bibigyan namin kayo ng Update." Bago pala ako puntahan ng mga pulis kanina sa bahay, nanggaling na pala dito sila Tita Sonia kasama si Tito Ric para mag-report about what happened to Joaquin. Joaquin is nowhere to be found. He's not answering all our messages and calls namin sa kanya. He's not even contacting me for days. Iyon rin yung mga araw na masama ang pakiramadam ko na halos hindi ako makabangon ng maayos! Until I realized na never pala talaga akong makakakuha nang any update from him dahil hindi ko maalala o makita kung nasaan ang Phone ko. Even my Mom can't contact me. At hindi ko maalala ang ilang mga bagay-bagay na nangyari nitong mga nakaraan. And it's kinda weird. Bumalik na iyong lalaking pulis na nag-dala sa akin sa Interrogation room kung saan nila ako kakausapin at kukuhanan ng statement. "May mga ilang bagay kaming itatanong sayo, Ma'am. By the way, Ako nga pala si Police officer Roldan Castillo." Panimula nito pag-kaupo niya doon sa tapat ng upuang nasa pagitan ng lamesa na siyang nasa harapan namin. "Napag-alaman namin na ikaw ang huling nakausap ni Joaquin Paul Sebastian base sa kanyang phone call history sa kanyang sim card. Alam mo ba kung saan siya huling nakita o nag-punta bago siya mawala ilang araw na ang nakakalipas?" Hindi ko maiwasang matulala dahil doon sa mga narinig kong sinabi at naging mga tanong na iyon sa akin nong Pulis nasa harapan ko. "A-I haven't heard about him for days. Ang naaalala ko lang is nag-kasakit ako nang ilang araw and after that hindi pa kami ulit nag-kausap o nag-kita na dalawa. Hindi pa ulit nag-kakaroon ng communication sa pagitan namin dahil hindi ko din naman nahawakan ang Cellphone ko." Hindi ko alam kung tama ba iyong mga ginagawa kong pag-sagot sa mga tanong niyang iyon sa akin. "Alam mo ba, Ma'am kung saan siya posible na huling nag-punta bago siya hindi macontact at hindi makauwi sa kanila?" Hindi ako agad na nakasagot sa tanong na iyon. Ni wala akong idea o anything na matandaan at parang sumasakit ang ulo ko every time na pinipilit ko ang sarili kong isipin kung ano ba ang mga posibleng nangyari after that day. Wala talaga! "Wala talaga akong idea, Sir kung saan siya nag-punta or kung saan siya nanggaling during that time. Basta ang alam ko he's somewhere and other than that hindi na ako na-update. Wala na kaming naging contact sa isa't isa... Dahil nag-kasakit po ako at hindi ko magawang kumilos at lumabas ng bahay." "Gaano mo kakilala ang taong ito, Ma'am?" "I knew him since then. He's my schoolmate nong College." "Aware ka ba, Ma'am na kasalukuyan siyang nawawala at hinahanap ng mga magulang niya?" "I don't have any idea. And I wanna know what is happening here." I'm so worried and at the same time clueless sa mga nangyayari. Wala talaga akong anything na marecall o maalala about what happened during that day. At kapag pinipilit ko ang sarili kong irelate ang mga bagay-bagay about Joaquin... Parang sumasakit lang ang ulo ko. What is happening? I wanna know, what! Where is Joaquin?! I can't contact, Joaquin nor message him. I don't have my phone with me and I am so frustrated the fact that I don't have any idea. Like what is happening?. Sumasakit lang ang ulo ko at ayoko na ring pilitin pa ang sarili ko. "How are you related to each other, Ms. Kennedy?" Napahinto ako dahil sa naging tanong niyang iyon sa akin. Diretso pa itong nakatingin sa dalawa kong mga mata habang nag-aantay nang mga susunod kong sagot sa mga tanong niya. Napalunok pa ako bago tuluyang muling mag-salita. "He's my boyfriend."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.4K
bc

Daddy Granpa

read
292.4K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.3K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
62.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook