BTVT #3: Joaquin Paul

3467 Words
"Hi. Sweetheart, Good morning! Kanina ka pa ba gising anak? Halika rito saluhan mo na kami." Ani Sonia pag-labas nong anak galing sa kanyang kuwarto. "Good morning, Mom and Dad." Bati nito ng pabalik sa mga magulang. Naupo na ito sa silya na katabi nang kanyang Nanay na katapat naman ng silyang inuupuan ng kanyang Tatay. "O sa susunod na araw, Mag-uumpisa na ulit ang klase ninyo hindi ba?" Panimula noong Tatay nitong si Joaquin saka ito humigop doon sa Tasa ng kapeng hawak niya. "Yes, Dad." Maikling sagot nito saka ito nag-lagay nang palaman sa tinapay. "O Sofia, Your milk anak... Inumin mo na agad yan ha? Baka lumamig nanaman! Sige na kumain ka na." "Mom, can you stop doing that? I'm already an adult." Reklamo nitong si Sofia sa Nanay niya saka ito umirap. Hindi naman naiwasang matawa nina Joaquin, Luis at nang kanilang Tatay na si Ric dahil doon sa reaksyon ni Sofia. "Adult ka diyan... Ni wala ka pa nga sa legal age. Huwag kang nag-mamadali! Sa ngayon, Hayaan mo na munang I-baby ka namin dito. Anong magagawa mo? Ikaw ang bunso namin dito sa Pamilya." Singit pa nitong si Luis habang patuloy pa rin sa kanilang pag-kain. "Naman kasi e... But I have something to tell sa inyong lahat." Anito habang ang lahat naman sa paligid niya ay nag-aantay lamang sa mga susunod niyang sasabihin. "Stop babying me especially when I am with my friends. Got it?" Dagdag pa nito saka niya tinignan silang lahat isa-isa. Natahimik pang sandali ang buong paligid saka sumingit at nag-salita muli itong si Ric sa anak. "O sige na... Tama na yan! Kumain na tayong lahat. Luis, get ready after you eat sumabay ka na sa akin mamaya sa Opisina." "Okay, Dad. Sige po." Sagot naman nito sa kanyang Ama. Joaquin Paul is the middle child of Sebastian's family and He is currently studying as a College student sa isang University sa Maynila. Mayroong Business corporation na pag-mamay ari ang pamilya nila na may lima ng Office branches dito sa Pilipinas sa kasalukuyan na siya ring kinabubuhay nila as a family. Kasalukuyang nakaupo sa Couch nang kanilang salas ang dalawang mag-kapatid na sina Joaquin at Sofia habang nagse-cellphone. "Kayong dalawa, Dito lang ba kayo sa bahay mag-sstay? Wala kayong pupuntahan or imimeet na friends?" Bungad nitong si Sonia sa mga Anak pagkalabas nito galing doon sa kanilang Kusina. "Ahm... Maybe later, Mom. I will meet my friends sa Mall." Mabilis na sagot nitong si Sofia. "How about you, Joaquin?" Napatingin pa saglit si Joaquin kay Sonia bago ito tuluyang sumagot sa tanong nito. "Ahh... Dito na muna ako sa bahay, Mom." Sagot nito saka ngumiti kay Sonia. "Oh well... I have to prepare na muna. I will go to my room na muna, Mom." Singit naman nitong si Sofia saka ito diretsong pumasok sa kuwarto niya. Pabalik na sana nang Kusina itong si Sonia nang mag-salitang muli si Joaquin. "Nga pala, Ma. Bakit mo natanong kung may lakad kami ngayong araw?" Medyo nag-tataka pa nitong tanong sa Ina. "I just remember na kailangan ko na pa lang mag-puntang Supermarket to buy some food supplies and everything na kailangan natin dahil mauubos na pala ang stocks natin sa Refrigerator. Maybe you can lend me a hand?" Paliwanag nito matapos ay ngumiti siya sa harapan ng binata. "Okay." Mabilis naman nitong tugon sa Ina. "Let's go?" Aya pa nito sa Ina. "Oh, Wait! I just get my bag and some Eco bags." "Okay, Joaquin Paul... Let's go!" Anito pag-labas na pag-labas noong silid na pinanggalingan niya. "Ahm... Ate Gracia, We need to go. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay ha? And If you need something or may someone na tumawag, Just contact me at my Personal phone for me to be updated, Okay?" Sabi pa nito doon sa kanilang Kasambahay bago tuluyang umalis. "Okay, Ma'am." Nakangiti naman nitong sagot sa kanyang Amo. ---- ---- ---- "Kumusta ka naman?" Nagulat pa si Joaquin nang biglang mag-tanong ang Ina nito sa kanya. "Po?" Hindi nito agad nai-proseso ang naging tanong sa kanya ni Sonia. Kasalukuyang nag-dadrive si Sonia habang nakaupo naman itong si Joaquin sa Passenger seat. Nag-presinta ito kanina na siya na lamang ang mag-mamaneho para sa Nanay niya pero hindi ito pumayag. "Ang sabi ko, Kumusta ka?" Ulit pang tanong nito sa Anak. Napatingin namang ulit si Joaquin kay Sonia bago ito tuluyang makasagot sa kanya. "Ayos lang naman ako, Ma. Bakit mo naman biglang natanong?" Nag-tataka pa nitong sabi. Saka nito muling ibinaling ang tingin sa bintana noong sasakyan. "Wala naman, Gusto lang kitang kumustahin. How's your day, Kung okay ka lang ba? Kasi alam mo anak, Hindi porket mag-kakasama tayo sa iisang bahay e... Updated na kami sa lahat nang nangyayari tungkol sa buhay ninyo. And I am glad to hear na you are okay. That's it! I hope you're always doing fine." Anito saka muling ngumiti sa harapan ni Joaquin. "Thank you, Mom for doing that." Yoon na lamang ang naging sagot ni Joaquin kay Sonia. Hanggang sa makarating na silang dalawa ng Supermarket. **** *** **** "Too excited? You're early ha?" Bungad nitong si Sonia sa anak na si Joaquin pag-labas nito galing sa kanyang kuwarto. Ala-siyete pa lamang kasi ng Umaga pero nakauniform pamasok na itong si Joaquin nang lumabas ito galing sa kanyang silid. "Where's Dad and Luis, Mom?" Bungad na tanong naman nito sa Ina sabay hila roon sa Upuan na nasa tapat noong Lamesa. "Maaga ring umalis papunta nang Opisina. Sige na, Kumain ka na diyan! Ate Gracia, Excuse me... Can you go upstairs to look for Sofia? Check on her kung gising na siya." Tumango na lamang sa kanya si Gracia at diretsong umakyat papunta sa kuwarto ni Sofia. "Ma, It's too early for me to wake up." Reklamo nito sa Ina nang makababa na ito galing sa kanyang Silid. "Sweetheart... It's okay to be early nang sa ganon marami ka pang maging time to prepare. Saka first day of School ninyo today hindi ba? Aren't you excited?" Aniya saka inilapag sa tapat ng anak ang isang baso nang gatas. Napapasapo na lamang sa kanyang Noo itong si Sofia dahil sa mga sinasabi sa kanya ni Sonia saka ito biglang nag-salita. "Mom, Stop doing that please?" "Saka... Gatas? Mom, mas gusto ko ang Tea over milk on my breakfast. Ma, Hindi na ako baby for you to treat me like that!" "But you're still my Baby girl, Honey. Sige na, Eat your breakfast na. Dalian mo na diyan at marami ka pang gagawin sa sarili mo!" Hindi maiwasang matawa ni Joaquin dahil sa mga nasasaksihan niya sa kanyang paligid. Matapos nitong kumain ay ginawa na nitong mag-paalam sa Ina at Kapatid na si Sofia. Diretso na itong pumasok sa Main gate nong University pag-katapos nitong maipark ang kanyang Sasakyan. Maraming estudyante ang halos mag-kumpulan na sa harapan nang isang mahabang Bulletin board sa Veranda nitong school. Doon kasi nakapaskil ang Ilang mga announcement, rules, program regarding sa bagong School year kasama na ang listahan ng schedule sa mga subjects na dapat nilang kuhanin at pasukan. Sumilip lang nang saglit si Joaquin doon sa maliit na awang mula roon sa kanyang kinatatayuan saka ito agad na umalis at diretsong nag-tungo na sa una niyang magiging klase para sa araw na ito. Magulo ang ilan sa mga Estudyanteng nasa loob nong silid at bigla na lamang silang nanahimik nang makita nilang may bagong pumasok sa loob. Halos puro bagong mukha ang mga magiging kaklase niya roon, kaya naman lahat sa kanila ay napalingon nong makita nilang pumasok si Joaquin. Nag-palinga linga pa itong si Joaquin sa buong classroom mula doon sa harapan. Nag-babakasakaling may familiar faces siyang makikita roon. "Apollo!" Bungad nang isang medyo matangkad na lalaki saka nito tinapik sa balikat si Joaquin na siya namang Ikinagitla niya. "Martin!" Si Martin Delgado. Isa sa mga naging malalapit na kaibigan ni Joaquin simula nong pumasok siya ng Kolehiyo. "Blockmates pala tayo, Tol. Nice!" Dagdag pa nitong sabi saka sila diretsong pumunta sa gitna at doon naupo. Natawa pa itong si Joaquin sa naging bungad sa kanya ng Kaibigan. "Hindi na ako nagulat na kasama kita rito. Basta alam ko na!" Sabi naman nito sa Kaibigan saka pa sila nag-tawanan na dalawa. Ilang minuto pang napuno nang Ingay at tawanan ang buong silid bago tuluyang dumating ang kanilang Professor at mag-umpisa sa kanilang klase. Joaquin Paul is already a graduating student ngayong College kaya unting panahon na lamang rin ang inaantay nang Parents niya, Especially his father at Isa na din siya sa mga taong inaasahan ng buong family niya na mag-papatakbo ng kanilang Negosyo at sa sariling Korporasyon na kanilang pag-aari. And Business... It runs in their blood. Buong side kasi ng kanyang Ama ay may kanya-kanya ring Business at Kompanyang pinapatakbo kaya naman yon din mismo sana ang gusto nang buong pamilya niya na mas pag-tuunan niya ng pansin at maging parte na lang din siya sa Board of Directors ng kanilang Company pagdating ng araw katulad ng Panganay niyang kapatid na si Luis. Gusto sana ng Binata na mag-aral pa sa susunod na pag-kakataon dahil sa pangarap din nito ang maging isang Piloto balang araw dahil ito na ang kanyang gusto simula pa lamang nong bata siya. Pero mas pinili na lamang nito ang maging praktikal sa buhay at piliing mas makatulong sa Pamilya, para sa kanilang Business na unti-unti na ring lumalago sa kasalukuyan. That's how selfless he is as a person lalo na kapag pamilya ang pinag-uusapan. He's matured enough para mas bigyang prayoridad ang ilang mga bagay na sa tingin niya ay mas dapat niyang unahin, mas mahalaga kumpara sa kanyang mga sariling kagustuhan. At hindi mapag-kakaila ang quality niyang iyon bilang tao dahil sa Personalidad at magandang pag-uugaling mayroon ito. People used to admire him dahil sa personality na mayroon siya na siya ring ipinapakita nito sa bawat taong nakakasalamuha. Joaquin is friendly and approachable lalo na sa mga taong same energy ang ibinibigay sa kanya. His handsome face is just a plus for him, kaya naman marami ring mga babaeng kaklase ang nag-kakagusto dito pero para sa kanya hindi ito Big deal at ni hindi nito binibigyang malisya ang mga bagay na iyon. "Hello, Joaquin!" Medyo kinikilig pang bati nitong si Raya sa binata. Hindi naman sumagot sa kanya si Joaquin pero ngumiti ito sa Dalaga na siya namang lalong nag-pakilig rito. "Girl, Siya yung sinasabi kong guy sayo na Pogi." Bulong pa nong Isa sa dalawang babaeng napadaan sa tapat nila Joaquin. Kasalukuyan kasi silang nasa Veranda kasama si Martin para mag-punta sa Cafeteria noong School dahil Lunch break na matapos nong ilang klase nila nitong umaga. Siniko pa ni Martin ang Kaibigan habang kinakantsawan ito... "Iba ka talaga, Apollo ha?" saka pa ito ngumisi pagkatapos. "Ano namang pakiramdam na maraming Chicks ang natutuwa sa'yo?" Pang-aasar pa nito kay Joaquin habang nakapila sila roon sa Food counter. "Tss... Ewan ko sayo. Bahala ka diyan!" Anito sa Kaibigan at hindi na ulit ito pinansin. Naupo na sila doon sa ilang mga Bench and Table, pero itong si Martin hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar kay Joaquin. "Tol, Nakita mo ba yung mga babae kaninang panay ang kaway sa'yo? Kilig na kilig kaya yon lalo na kapag nabibigyan mo nang Pansin plus nangingitian mo pa. Tawang-tawa ako sa mga Itsura nila e... Para silang mga Kiti-kiti na hindi mo mai---" Hindi na nito natapos ang sinasabi dahil isinubo nitong si Joaquin ang Hotdog sa bibig ni Martin na siyang ikinatahimik niya. Halos mabilaukan ito dahil sa ginawa nang Kaibigan na siya namang Ikinatawa ng malakas nitong si Joaquin. "Di'ba! O edi nanahimik ka!" Anito saka pa ipinapagpag sa tapat nito ang kanyang dalawang kamay. "Grabe ka naman, Tol. Papatayin mo ba ako?" Singit nitong muli matapos niyang malunok nang maigi ang nakaing Hotdog. "Di ka na lang kasi manahimik diyan e! Kalalaki mong tao ang daldal mo. Tsk tsk..." Sabi naman nito saka uminom ng tubig mula sa doon sa hawak niyang bottled water. "E mamaya anong plano mo?" Muling tanong nitong si Martin sa Kaibigan. Napalingon naman sa kanya itong si Joaquin sabay kunot ng Noo nito. "Mamaya, Pag-katapos ng klase?" Ani Martin saka ngumuya sa kinakain nitong Pasta. "Mamaya? Uuwi na ako nang diretso para mag-papahinga sa bahay." Plain nitong sagot kay Martin. "Tsk tsk... Ikaw tol, Ang boring mong tao!" Singhal naman nito sa kanya na may halong pagka-dismaya. Tinignan lang nito ang Kaibigan saka umiling-iling rito bago siya muling mag-salita. "Anong boring don ha? Kung puwede ko namang libangin ang sarili ko kahit na nasa bahay ako." Saka napakunot ang noo nito. Ngumiti naman nang nakakaloko itong si Martin sa harapan nitong si Joaquin saka pa ito nag-taas baba ng kanyang dalawang kilay. Nagets naman agad nito ang ibig sabihin nang malokong kaibigan kaya naman tumayo siya papalapit rito saka ito binatukan. "Siraulo! Kung ano man yang iniisip mo... tigilan mo yan ha?!" Saka na lamang ito biglang natawa. "Bakit hindi ba tama naman ako?" Pang-aasar pa nito. "Bahala ka nga diyan sa buhay mo!" Anito saka na umalis doon sa kinauupuan nila kanina. "Teka, Apollo... Sandali lang naman tol! Masyado ka namang asar talo!" Natatawa-tawa pa nitong sabi kay Joaquin. ---- ---- ----- Matapos nong klase... Muling kinulit nitong si Martin si Joaquin para ayaing lumabas at gumimik kasama niya. "Ano tol, Sama ka sa akin?" Panimula nito sa Kaibigan. "Saan ka nanaman pupunta, Delgado?" Sagot pa nito kay Martin habang mag-kasalubong pa ang kanyang dalawang kilay. "Pupunta akong Bistro Bar, Gusto mong sumama? Tapos naman na ang klase. Wala pa naman tayong masyadong gagawin hindi ba? Saka para naman hindi ka lang sa Malaking bahay ninyo mag-libang. Tol, Doon sa Bar may mga Chika bebeng magaganda at Hot. Ayaw mo ba non? Kaysa mag-tiis ka diyan sa Virtual fantasy mo." Anito saka pa inakbayan ang kaibigan. "Tigilan mo nga ako sa mga Kalokohan mo!" Singhal naman nito sa Binata saka ito bumitaw mula sa pag-kakaakbay nito sa kanya. "Ano? Deal or No deal? Sinasabi ko sa'yo tol. Masaya 'to! Saka ano ba naman yong mag-papakasaya muna tayo bago ulit dumugo ang utak natin sa pag-aaral?" Pangungumbinse pa nito sa kanya. Napahinto pa sandali itong si Joaquin dahil sa mga sinabi ng kaibigan na si Martin saka pa sila nag-katitigan na dalawa. Hindi mapag-kakaila sa mga mata nitong si Martin ang excitement dahil inaantay nito ang magiging sagot sa kanya ni Joaquin. Inaasahan kasi nito na magiging O-oo ito sa paanyaya niya. "Ewan ko sayo, Delgado. Bahala ka diyan sa trip mo!" Biglang sabi nito sa kaibigan matapos nang Ilang segundo nilang nakatayo doon malapit sa University exit. Iniwan niyang nakatayo doon si Martin saka ito dumiretso sa Parking lot ng School. Pero humabol pa ito sa kanya hanggang sa bago ito makasakay sa kanyang sasakyan. "Tol naman... Minsan alam mo para kang babae. Ang arte mo!" "Huwag ka nang magulo diyan Martin! Ano? Sasakay ka ba o hindi?" Alok pa nito sa kaibigan pag-upo at pag-upo nito sa loob ng kanyang sasakyan. Agad naman itong sumakay at naupo doon sa Passenger seat. "So sasama ka na sa akin, Tol?" Tanong nito ulit sa kanya habang nakangiti pa ng pagkalawak-lawak sa harapan ni Joaquin. "Ibababa lang kita doon sa Kanto para hindi ka na mag-lakad. Kawawa ka naman e! Bakit kasi aalis ka na lang hindi ka pa nag-dala ng Kotse?" "Wala sa akin yung Susi. Nasa Erpat ko kinuha muna sa akin." Anito at napakamot na lamang sa kanyang ulo. "Tsk. tsk... Kinuha muna o Tinanggal sa'yo? Ano nanaman ba kasing ginawa mo? Napagalitan ka nanaman ni Tito no?" Napapailing na lamang itong si Joaquin kay Martin habang kinakausap niya ito. Saka nito diretsong pinaandar iyong sasakyan. "Alam mo ikaw minsan... Hindi na kita maintindihan kung Tatay ba kita o Kaibigan. Ang dami mong sinasabi tungkol sa buhay ko e!" Reklamo pa nito sa kanya kaya naman hindi maiwasan ni Joaquin na matawa na lang sa naging reaksyon niya. "Puro ka kasi kalokohan! Hindi ka mag-tino para hindi ka nagiging sakit sa Ulo ng mga magulang mo." "Tol, Mas matatanggap ko pa kung huwag mo na lang akong ihatid kaysa sermonan mo ako na parang ikaw ang Daddy ko." Napahagalpak na lamang sa tawa si Joaquin sa tabi nitong si Martin dahil sa kanyang mga nagiging reaksyon na ibinibigay sa Kaibigan. "Oo na. Sige na... Titigil na ako." Halos maiyak na ito sa kakatawa at pilit na pinipigil ang sariling mas matawa pa. **** ~~~~ *** ~~~~~ ***** "Joaquin, Anak mabuti naman at nandiyan ka na. Gusto ka sanang makausap ng Daddy mo. Nandoon siya work room niya puntahan mo na lang, Okay? At may gagawin pa ako rito." Bungad naman ng Nanay niyang si Sonia sa kanya pag-dating nito sa kanilang bahay. "Okay, Mom. I just change my clothes quickly." Sagot nito sa kanya saka siya diretsong pumasok sa kanyang kuwarto. "Alright!" "Dad?" Sabi nito sa labas ng kuwarto ng Ama pag-katapos niyang kumatok doon sa may Pintuan. "Come in..." Sagot naman nitong si Ric sa anak mula sa loob. "Pinapatawag mo raw po ako sabi ng Mom?" "Oo. Kararating mo lang ba o kanina ka pa nakauwi?" Tanong nito sa kanya saka siya nito pinaupo sa upuang nasa tapat ng kanyang Working table. Ganon na lamang ka-workaholic itong si Ric dahil gusto nitong mas maging Hands on sa kanilang Kompanya kahit pa na nasa bahay na siya at dapat mas nag-papahinga. "Ahh. Kararating ko lang po, Dad. Kanina niyo pa po ba ako inaantay?" Tanong pa nito sa kanyang Daddy. "Hindi naman, Anak. By the way, kumusta ang araw mo?" Nakangiti pa nitong sabi sa kanya. Saka nito pinag-cross ang kanyang mga Braso. "Ayos lang naman po. Unang araw pa lang naman po ng Klase ko kaya hindi pa ganoong ka-hectic ang magiging schedule namin." Seryoso namang sagot nito kay Ric na ngayo'y nakikinig lang sa mga susunod pang sasabihin o maaaring Ikuwento sa kanya ng anak. "Mabuti naman kung ganoon! This will be the last school year that you will be attending right?" "Yes, Dad. Graduating na po ako this year." Nakangiti pa nitong pagkakasabi sa harapan ng Ama. "Then right after mong grumaduate ng College, Anong plano mo? Like may gusto ka pa bang gawin sa buhay mo bukod sa Ilalagay na kita as one of the Board of Directors ng RBS? Mabilis lang ang mga araw tapos mamaya lang may Diploma ka na. Ano bang balak mo, Joaquin Paul?" Sunud-sunod na sabi ni Ric sa anak. Hindi agad na nakapag-reak si Joaquin dahil sa mga narinig. Huminga pa muna siya nang malalim bago siya muling nag-salita sa harapan ng Tatay niya. "Honestly speaking Dad... Dream ko simula pa bata ako ang maging Pilot pero naisip ko na maging praktikal dahil nandiyan na rin ang Family business natin and isa naman po ako sa mga Witness na lumalago na ng lumalago ito. As your son Dad masaya akong nakikita ang growth ng Kompanya nang Pamilya natin but at the same time po nandoon yung Pressure na nararamdaman ko. And I know it's normal to feel that way! Tapos parang ang taas-taas pa po ng Expectation ninyo sa akin." Just like how Ric asked everything from his son... Joaquin is just being honest about what he feels and what he wants for himself. Napangiti ito dahil sa mga narinig niya sa Anak. "I'm happy to hear that from you, Paul. Dahil iniisip mo ang Kompanya but the thing is sigurado ka bang iyan ang gagawin mo at magiging final decision mo?" "Oo naman po. Hindi naman siguro ako mag-aaral ng Business Administration kung hindi ako sigurado di po ba? Puwede ko pa rin naman pong I-persue ang pagiging Pilot, kahit na anong mangyari. And It will never be too late for me if ever." Proud pa nitong pagkakasabi sa harapan ng kanyang Ama. "Alright then... Sige. Pasensya ka na, Paul anak ha kung masyadong maaga na kausapin kita tungkol dito, Anak. Pero para sa akin kasi hangga't maaga mas magandang malaman ko na kung ano ang gusto mo. Para nang sa ganon, Pag-dating nang panahon na okay na lahat wala tayong magiging problema at hindi tayo mag-sisisihan!" "Tama naman ako hindi ba?" Dagdag pa nito sa mga sinabi niya saka pa niya tinapik sa Balikat si Joaquin. "Salamat, Dad." Nakangiti pa nitong sabi sa kanya. "Thank you for what?" Nag-tataka pa nitong tanong sa Binata. "Thank you! Thank you for believing in me. Kasi wala pa man din po, Naniniwala ka na sa akin at sa kakayahan ko bilang anak mo and as an Individual." "Saka huwag kang mag-alala... Hindi ko kayo hahayaang mangapa sa mga bagay-bagay. I am always here to guide you because I'll always want what's best for all of you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD