ERIKA POV Habang kumakain kaming dalawa, panay ang titig niya sa akin. Yung titig na para bang mayroon siyang binabalak. Ang tanga niya kung sa tingin niya ay mahuhulog ako sa bitag na inihanda niya. Akala niya siguro ay makukuha niya palagi ang gusto niya sa akin. Pwes, nagkakamali siya. Nang hindi ko na masikmura ang ginagawa niyang pagtitig sa akin, napatanong na ako sa kanya. "Prangkang tanong ko sayo, kailan ka ba aalis sa mansyon ni Sir James?" Nginitian niya lang ako na para itong nang aasar. "Prangkang sagot, bakit pa ako lilipat ng tirahan kung libre naman lahat sa bahay ni Ninong James? In short, wala akong rason para umalis sa bahay niya. Ang gusto ko lang ay magtrabaho ng maayos." Sa mga ngiti niya pa lang, halatang may iba talaga siyang intensyon. "Talaga ba? Ayaw k

