ERIKA POV Kumakabog ang dibdib ko sa kaba at halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Tinulak ko si Denmark papalayo at tsaka ko pinunasan ang aking labi. "Bakit mo ako hinalikan ha? Sinasabi ko na nga ba, may iba kang balak eh!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Punong puno ng pagnananasa ang kanyang mga mata. Para bang walang ibang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan sa mga sandaling ito kung di ang kanyang kalibugan. Bawat pag abante niya ay siya namang atras ko sa likuran. Ngumiti siya sa akin, "Wala kang kawala sa akin Erika, sa ayaw at sa gusto mo ay may mangyayari sa ating dalawa. Hindi ka makakawala sa akin," sambit niya, ang boses niya ay punong puno ng kasiguraduhan at pagnanasa. Namumutla pa ang kanyang pisngi dahil sa kanyang kalasingan. Mas marami pa naman siyang nainom

