Ria "ISANG tanong, isang sagot,” may halong pagbabanta kong sabi. "Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ko sa maid na kausap kanina ni Mikael. Malakas ang kutob kong may sinabi 'to base sa naging reaksyon nung loko eh. Napayuko siya. "W-wala po madam." Wala pala ha. Tumawag ako ng isa pang maid. Habang hinihintay na makaakyat ang tinawag ko ay nakatitig lang ako sa maid na nasa harap ko habang siya ay hindi mapakali sa kinatatayuan. "Bakit po madam?" tanong ng bagong dating na maid. "Tulungan niyong mag-empake ang babaeng ‘to." "Po? Bakit ho?" Bumaling siya sa katabi. “Magbabakasyon ka?” “Oo, permanent vacation.,” sabat ko na ikinagulat nila. “Bakit ho? Ipapaalam ko muna kay—“ "Susundin mo ba ang sinabi ko o dalawa kayong magbabakasyon?" pagbabanta ko.

