Ria MAKALIPAS lamang ang ilang minuto ay nagsimula na ang game na mas lalong nagpa-ingay sa paligid. Pagbitaw palang ng referee sa bola ay nakuha agad ng team ni Axel ang bola kaya napapalakpak ako sa tuwa. Nagmumukha na akong traydor sa mga ka-teammates ni Mikael dahil kinakampihan ko ang team ni Axel pero wala akong pake. Duh, pinilit lang akong pumwesto dito noh. Nakagat ko ang ibaba kong labi habang pinagmamasdan si Axel na tumatakbo habang dini-drible ang bola. Seryosong-seryoso ang mukha niya na kahit sinong makakakita sa kanya ay hindi maiiwasang ma-attrach. "Reyes for 3 points!" Pinigilan kong mapatayo sa kinauupuan ko nung pumasok sa ring ang tira niya kaya nakuntento nalang ako sa pagtili. Bigla siyang napatingin sa gawi ko at kinindatan ako kaya hindi ko maiwasan

