Ria "AMP. Bakit hindi mo sinabi agad?!" Pinaghahampas ko siya sa braso. "Malay ko bang hindi mo alam?" Tawa siya ng tawa habang todo iwas sa bawat hampas ko. “Saya ka? Ha?” Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha tuloy akong mabuting mag-aaral sa suot ko! Mukhang tanga.” Napasimangot ako at pinag-krus ang mga braso sa dibdib. Pano ba naman kasi! Hindi man lang niya sinabi na ngayon na pala ang intrams namin kaya halos lahat ng mga estudyante ay mga naka-jersey o di kaya'y naka-colored shirt lang. Ako lang tanging naiiba na naka-school uniform! Ugh. Sa sobrang inis ko tuloy nilayasan ko siya. Todo pasasalamat pa man din ako sa tulong niya tapos ito ang kahihinatnan ko? Bakit ko ba kinaibigan ‘to? "Hey! San ka pupunta?" Sinabayan niya ako sa paglalakad. "Gusto mo manoo

