Ria AFTER ONE WEEK. “Omg. Omg. Waaaah!” Halos sabay pa kaming nagtatakbo ni Rina papunta sa dagat at sinalubong ang mga alon. Para kaming mga bata na ngayon lang nakakita ng malawak na tubig. “Ang ganda, shet!” “Mamaya na ‘yan! Itong mga ‘to parang mga bata talaga.” Napalingon kami sa likod kung saan nahuli naming nakatingin sa amin halos lahat ng mga kasamahan namin, karamihan pa sa kanila ay mga kamag-anak nila Rina kaya medyo nakaramdam ako ng hiya. Nagkatinginan kami ni Rina at natawa bago naglakad pabalik sa pwesto nila. Nahuli kong napapailing na tinawanan ako ni Rianne. Oo, kasama rin siya. Pinaki-usapan din kasi ako ni Tita na imbitahin siya dahil idol nila parehas ni Rina ang pinsan ko. "Nagdala kang two piece?" tanong ni Rina habang patungo kami sa cottage.

