Ria SILENCE. Hindi ko alam kung ilang segundong namagitan ang katahimikan sa amin hanggang sa magsalita si Rina. "Yeah. She's the girlfriend, so please—ano, anong tawag dito? Basta! Shoopi,” sabi niya sabay kumpas ng kamay na parang nagtataboy ng hayop. Bigla tuloy akong nawala sa mood kaya kahit nakaalis na ‘yung mga babae ay hindi pa rin ako nagsasalita. “Tara. Parang masarap lumangoy ngayon ah,” biglang sabat ni Axel. Akala ko ay kami ang kausap niya pero nagulat nalang ako nang hawakan niya sa braso si Rina at hilahin paalis. Pati ito ay nagulat sa ginawa niya. Alam ko ang ibig sabihin ng ginawa nila kaya mabilis akong umalis sa kinatatayuan para sundan sila pero mabilis akong pinigilan ni Mikael. "Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya. I scoffed. "Ano nama

