Ria "ARAY," daing niya. Hindi ko pinansin ang pagdaing niya. Kung pwede nga lang diniinan ko pa ng todo ang sugat niya, pero hindi naman ako ganun kasama dahil in the first place, ako naman talaga ang unang sumugod sa kaaway. Ipinagtanggol lang niya ako. Pero nakakainis pa rin! Dahil kasi sa nangyari ay siguradong may panibago na namang issue about sa kanya. At ang ikinaiinis kong tunay, pagkatapos nilang maawat nung una, nagkaroon pa ng second round! Walang paawat! Pano ba naman kasi, ‘yung mga siraulong bastos na mayabang na—ah basta! ‘Yung mga nakaaway namin, masyadong mayayabang! Mga kulang yata sa kalinga ng magulang kaya napabayaan ng ganun! Akala mo kung sinong bigating tao! "Dahan-dahan naman," reklamo niya pero hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pa

