Ria
"OH MY GOD. What happened to you?!" puno ng pag-aalala ang boses ni Mom nang lapitan ako. Kakapasok ko pa lang ng bahay at hindi ko alam na maaga pala siyang umuwi ngayon. "Kagagawan ba ‘yan ng mga bashers mo?"
"No," iling ko at nagpatuloy sa paglalakad nang paika-ika. Siya naman ay nakasunod lang sa’kin. "Nahulog ako sa puno."
"What?” gulat niyang tanong. “Paano ka naman napunta dun?!"
“Baka umakyat ako,” I sarcastically said.
“Ano namang gagawin mo sa ibabaw ng puno?!” hindi makapaniwala niyang tanong.
"Wala lang. Wala akong magawa eh," walang kwenta kong sagot. Hindi niya pwedeng malaman na ‘yun ang way ko para makatakas sa kanila noh.
"Seriously?" tanging nasabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin at umakyat na sa kwarto ko.
Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong binuksan ang tv dahil sigurado akong ipapalabas ako sa balita. Ano pang silbi nung mga press kanina sa school, ‘di ba? First time kong ipapalabas sa tv kaya gusto kong makita kung maganda ang kuha nila sa’kin!
"Trending ngayon sa social media ang litrato ng sikat na modelong si Mikael Falermo na mistulang nasa isang restaurant at may kasamang isang babae. Ayon sa nakalap na balita, ito ang unang beses na nakuhanan siyang may kasamang babae mula noong mapabalita ang paghihiwalay nila ng recent girlfriend niya na hindi na natukoy. Ang kasama naman niyang babae sa litrato ay nakilalang si Ria Agustin. Kanina lang ay sinubukan namin siyang kuhanan ng panayam ngunit tumanggi itong magsalita."
Ipinakita sa tv ang sarili ko na pilit inaalalayan ng mga guards.
"Makikitang may benda ito sa kaliwang paa at ang paniniwala ng karamihan, kagagawan ito ng mga bashers niya."
Napabuga na lang ako ng hininga at pinatay na ang tv.
Talagang gumawa pa sila ng fake news. Tss.
***
KINABUKASAN.
Narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Nakatalikod ako sa gawi ng pinto kaya hindi ko makita kung sino ang pumasok. Ngunit hindi ko na kailangan pang silipin dahil isa lang naman ang may lakas-loob na gisingin ako ng ganito kaaga.
"What are you doing? Bakit hindi ka pa bumababa? Late ka na sa klase mo!" panenermon agad ni Mom. Mataas pa sa sikat ng araw ang boses niya.
"Hindi ako papasok," walang gana kong sagot at muling ipinikit ang mga mata.
"And why? Wala ka namang sakit ah!"
"Tch.” Pumihit ako ng higa paharap sa kanya. “Pano ako papasok kung hindi naman ako makakapag-focus dahil sa mga lecheng kaklase ko?"
Napahalakhak siya ng maarte. "Yun lang ba ang inaalala mo? Don't worry, nakahanap na ako ng solusyon." Dahil sa sinabi niya ay bigla akong napaupo sa kama.
"What do you mean?"
She shrugged. "Kung papasok ka, malalaman mo." Pa-suspense pa amp. Napanguso ako sa inis at walang nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Padabog akong tumayo at pumasok ng banyo.
***
"NASAAN dito ang sinasabi niya?" iritado kong bulong nang huminto ang sasakyan namin sa harap ng gate ng school. Wala namang nagbago, mas lalo lang nadagdagan ang mga press kumpara kahapon.
Umuuwi pa kaya sila?
Gaya kahapon ay pinagkaguluhan na naman ako. Oo, gusto kong pinagkakaguluhan ako dahil sikat ako pero hindi naman ‘yung ganito! Kaloka.
Napabuga na lang ako ng hangin nang makapasok na ako sa wakas sa gate. Inayos ko ang nagusot kong uniform at paika-ikang naglakad paakyat sa room namin. Isa pa ‘tong paa ko eh, pahirap.
Pagbukas ko ng pinto ng room namin ay nagtaka ako sa naabutan ko. "Nasaan ang mga tao?" bulong ko.
Hindi yata ako na-inform na walang pasok.
“Pinagti-tripan yata ako ng nanay ko,” I murmured. Pero parang hindi rin, nasa mga upuan nilang lahat ang mga bag nila eh. Baka nasa gym.
Nag-decide akong magtungo sa gym. Sobrang tahimik rin sa hallway at walang katao-tao. Habang naglalakad, nagulat ako nang may marinig akong isang matinis na tili na nasundan pa ng karamihan na sobrang sakit sa tenga.
May sunog ba?!
Sumilip ako sa baba mula dito sa second floor at nagpasyang bumaba ng hagdan kahit paisa-isa ang aking hakbang dahil sa lecheng paa ko. Pagbaba ko ay natuon ang atensyon ko sa mga estudyanteng halos magkagulo sa isang sulok, parang may pinagkukumpulan. Pati mga teachers nakikitili sa kilig. Ang harot ha!
"Ano bang meron?" Paika-ika akong lumapit at pilit na sinilip ang pinagkukumpulan nila sa gitna. Pero bukod sa mga ulo nilang nakaharang ay wala na akong ibang makita. At dahil curious ako, nagpasya akong akyatin ang hood ng kotse ni Tita. Sabi nga nila, curiousity kills the cat. Baka mamaya ‘yung Kathniel na pala ang pinagkakaguluhan nila tapos sasayangin ko pa ang pagkakataon.
Nahirapan ako sap ag-akyat dahil sa paa ko pero nagawa ko rin sa huli. Dahan-dahan akong tumayo at nag-balance saka pilit na sinilip ang taong pinagkakaguluhan nila.
Naningkit ang mga mata ko at pilit itong kinilala. Naka-shades eh. Pero nasisiguro kong lalake—
"Oh shit." Ang kaninang singkit kong mga mata ay biglang nanlaki sa nakita.
Anong ginagawa niya dito?!
"I love you Mikael!" biglang sigaw nung babae sa harap ko. Sana kanina pa niya isinigaw ‘yan para hindi na ako nagpakahirap silipin ang walang kwentang lalakeng ‘yun!
"Kyaaa! Ang gwapo!"
“Mikael! Anakan mo na ‘ko! Willing akong magpa-r**e!”
Yuck.
Ngayon ako nagsising nagpakahirap akong umakyat sa kotse. Tss. Feel na feel naman niya ang pagiging famous! Kapal talaga ng mukha.
Akmang bababa na ako nang bigla siyang mapalingon sa direksyon ko. Nagmadali tuloy akong tumalon pababa at halos maiyak sa sakit nang maitukod ko sa semento ang paa ko.
"Ouch!” halos maiyak ako sa sakit.
"Need help?" Akmang sasandal ako sa kotse nang may biglang bumulong sa tenga ko kaya halos mapatalon ako sa gulat. Pagkatalikod ko ay bumungad sa’kin ang pagmumukha niya.
Saglit akong napatitig sa kanya.
He smirked. "Did you miss me?”
I scoffed in disbelief. Ang kapal pa rin ng mukha. Mukhang kailangan bawasan.
Dinig na dinig ko ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid sa sumunod kong ginawa. Imbes kasi na sumagot ako, pinadapo ko sa mukha niya ang kamao ko. Tumilapon pa nga sa malayo ang shades niya sa ginawa ko.
"Oh my God.”
Humarap siya sa’kin habang sapo ang panga niya. "What the hell is your problem?!" galit niyang sigaw.
Ako naman ang ngumisi ngayon at inilapit ang mukha sa kanya. "Ganyan kasi ako bumati sa mga taong may malaking kasalanan sa’kin," mapang-asar kong sabi at tinalikuran siya.
Sa wakas, nakaganti na rin ako!
***
"YOU shouldn't have done that!" Napangiwi ako sa malakas na sigaw ni Tita.
Bakit kailangan pa niya akong ipahiya sa harap nila? As usual, dahil sa ginawa kong eksena kanina nandito na naman ako sa office. Nandito rin si Mom dahil tinawagan siya ni Tita matapos ang ginawa ko kanina.
"He deserved that,” nakanguso kong katuwiran.
Napatayo bigla si Falermo at balak akong sugurin pero mabilis siyang pinigilan ng mga kasama niyang guards. Oo nandito rin sila. Nakakainis nga dahil lahat sila ay nasa isang gilid habang ako ay nag-iisa dito sa harap nila. Daig ko pa ang nasa hot seat.
"Nandito siya para tulungan ka tapos susuntukin mo?!" sabat naman ni Mom.
Teka nga. Bakit parang may favoritism dito?!
"Tulungan? Eh, siya nga ang dahilan kung bakit nasa trending ako at binabash ng mga lecheng fans niya! Kala mo kung sinong gwapo,” I crossed my arms over my chest at pasimpleng tiningnan ng masama ang taong tinutukoy ko.
"Walang may kasalanan sa inyong dalawa. Ako ang nag-set up sa inyo kaya huwag kayong magsisihan!”
"E di sana ikaw ang may problema ngayon, hindi ako," I murmured.
"What did you say?" her eyebrows furrowed.
"Nothing!" irap ko.
Humalukipkip ako. "So, paano niya ako matutulungan?" paglilihis ko sa usapan.
Nagkatinginan ang dalawang babae sa harap ko na parang nag-uusap gamit ang mga mata. Napakunot nalang ako ng noo.
"Magpapanggap kang girlfriend ko," biglang sabat ni Falermo.
Ah, girlfrien—
Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa kanya. “Ginagago mo ba ‘ko?”
He glared at me.
"We're really sorry, hija. Pero iyon lang ang tanging naisip naming paraan sa problema niyo," sabat ni Tita na ikinatigil ko.
Nagpapatawa ba sila?
Pinagti-tripan yata ako ng mga ‘to dahil sa ginawa ko kanina eh. Tingnan niyo mamaya sisigaw sila ng it’s a prank! Uso ‘yun eh.
“Pinaglololoko niyo ba ‘ko?” Anong akala nila sa’kin, madadala nila ako sa mga prank na ‘yan? Don’t me, huh!
“Ikaw na nga itong tutulungan, nag-iinarte ka pa.”
Sinamaan ko ng tingin si Falermo. “Did I ask for your fvcking help?” Nagsisimula na akong mainis sa mga pinagsasabi nila ha. Para bang pinagkakaisahan nila ako. Nag-decide sila nang walang pahintulot ko.
Nakakagago ‘yon men!
“Malaking bagay ang issue na ito Miss Agustin. Matutulungan ka namin upang mabawasan ang natatanggap mong online shaming and same for us, matutulungan mo kami upang hindi na sila maghukay pa ng issue tungkol sa naging past relationship ni Mikael,” sabat naman ng babaeng kasama ni Mikael. Manager niya yata, ewan.
Kunwaring napatango ako. “Pakihanap muna ‘yung pake ko.”
“RIA!” buong lakas na sigaw sa akin ni Mom. Halatang hindi niya nagustuhan ang isinagot ko.
“Hindi kita tinuruan maging ganyan kabastos!”
“Ano bang gusto niyong sabihin ko?” tanong ko. “Hindi niyo naman kinuha ang permiso ko. Kabod lang kayong nag-decide na parang isa akong laruan na susunod basta inutos niyo!” Padabog akong tumayo at iniwan sila roon. Hindi ko sila pinakinggan kahit paulit-ulit nilang isinisigaw ang pangalan ko.
Basta kahit ano pang sabihin nila, hindi ako papayag!