Chapter 4: Fallen

1523 Words
Ria   KINABUKASAN.   Pagtapak ko palang sa gate ng school, unang sumalubong sa akin ay ang kakaibang tingin ng mga estudyante. Actually, karamihan sa kanila masama ang tingin na ipinupukol sa’kin. Sinusundan pa nila ako ng tingin habang naglalakad ako o kaya naman ay hahagurin ako ng tingin hanggang talampakan.   Ano bang problema nila? Mga inggit ba sila sa katawan ko?   Nang hindi makatiis, tumigil ako sa harap ng ilang mga estudyante. "May problema ba kayo sa’kin?" hindi ko mapigilang itanong.   Nagulat ako nang irapan lang nila ako at tinalikuran. Napakagat nalang tuloy ako ng labi sa inis at nagpatuloy sa paglalakad. Remember Ria, bawal muna ang g**o.   Hindi ko na lang pinansin ang iba pang mga estudyanteng masasama ang tingin sa’kin. Pero habang naglalakad, kusa akong napatigil nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawang babaeng nadaanan ko.    "I just really can’t believe the fact na pinatulan siya ni Mikael.”   “Tss. Sinabi mo pa. ‘Yung pagmumukhang ganyan, hindi bagay kay Mikael. Isama mo na pati ‘yung ugali, akala mo batang sakit sa ulo.”   "Wala namang pinagkaiba ‘yan sa salitang inggit," sabat ko sa usapan nila. Nakakapang-gigil eh.   Lumingon sila sa akin na may gulat na ekspresyon pero mabilis rin na tumaas ang kilay.   "Excuse me? Kausap ka namin?” pambabara nung isa.   Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. “Ako ang topic, natural makiki-chismis na rin ako. Ano bang atin ngayon?” I crossed my arms over my chest. Akala ko ay sasagot pa sila pero nagulat ako nang bigla silang magmadaling umalis.   “Mga duwag naman pala amputa.” Akala ko pa naman makakapag-warm up ako ngayon. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad patungong room.   ***  LUNCH BREAK.   Kasalukuyan akong naghahanap ng vacant table dala ang tray ng pagkain na inorder ko nang may humarang bigla sa daan ko. Apat na babae. Alam ko na agad kung ano ang kailangan nila sa’kin base palang sa kakaibang tingin nila sa’kin.   "Kailangan niyo?" iritado kong tanong. Gutom ako kaya wala ako sa mood na sakyan ang mga trip nila. Lalo na kung nakakawalang-gana ang mukha na sasalubong sa’kin.   "Totoo bang pinatulan ka ni Mikael?" tanong nung isa. Walang hiyang lalake ‘yun, mapapaaway pa ata ako dahil sa kanya.   "Hindi," sagot ko at akmang lalagpasan sila pero muli nila akong hinarangan.   Napabuga na lang ako ng hangin.   "Sinungaling ka!" Eh hindi naman pala makuha sa isang sagot ang taong 'to eh!   "Ano pang silbi ng tanong mo kung hindi ka naman maniniwala?" mahinahon kong pambabara. Panget na nga bobo pa. Tss.   "At sumasagot ka pa talaga!" ‘Yung totoo? Anong nahithit nito?   “Tinatanong mo ‘ko, diba? Bobo ka ba?” iritado kong tanong. Mukhang napikon  siya sa sinabi ko at akmang sasampalin ako pero mabilis kong napigilan ang kamay niya habang ang kabila kong kamay ay nakahawak pa rin sa tray. What a talent.   "Masamang maghamon ng away kung pikon ka," mahinahon kong sabi at marahas na binitawan ang kamay niya. Nilampasan ko sila ng lakad at umupo sa isang vacant table.   Makakakain na rin sa wakas! Sana naman wala ng susunod na susugod sa’kin! Nagbabagong-buhay na po ako, please lang.   ***  LUMIPAS ang ilang oras hanggang sa mag-uwian na. Himalang naging matiwasay ang araw ko dahil wala ng nagtangkang lumapit sa’kin pagkatapos nung nangyari sa canteen. Kasalukuyan na akong naglalakad sa hallway bitbit ang bag ko nang biglang nag-vibrate sa bulsa ko ang phone ko kaya napatigil ako sa paglalakad.   Mabilis akong tumakbo papunta sa isang gilid na walang katao-tao at sinagot ang tawag.   "Bakit?”   "Artista ka na gaga!" Napakunot ang noo ko sa ibinungad ni Rina.   "Huh?" naguguluhan kong tanong.   “Most hated girl in social media HAHA."   Napairap naman ako. Kaya mahal na mahal ko ‘to eh, sarap sakalin.   "Nasa school ako ngayon, gaga! Istorbo ka." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay na ang tawag. Ibinalik ko ang phone sa bulsa ng short ko at muling naglakad papunta sa gate ng school.   Wala naman talaga akong pake kung siraan ako ng mga tao sa social media. Likas na sa mga tao ngayon na husgahan ang iba base lang sa nakikita nila sa media. Akala mo kung sinong mga banal, puro kamalian at problema lang ng iba ang inaatupag pero ang kanila hindi napapansin. Yikes.   Habang papalapit ako sa gate ay unti-unti kong napapansin ang mga taong nagkukumpulan sa labas. May mga hawak silang parang camera.   "Anong meron?" bulong ko at mas lalong lumapit para makita ang pinagkakaguluhan nila. May artista ba? Hindi kaya nandito ang Kathniel?! Omg!   Bago pa man ako tuluyang makalapit ay nagulat ako nang bigla akong itinuro nung isa sa kanila. Lumingon pa ako sa likod ko para tingnan kung may ibang tao sa likod ko pero mukhang ako talaga ang pakay nila. Nagkagulo sila bigla at pilit na pumapasok ng gate pero maraming guards ang humaharang sa kanila.   "Oh shit." Doon lang nag-sink in sa akin ang nangyayari. Mga Press! Bakit kailangang lumaki ng ganito ang issue?   Bwisit talagang lalake ‘yun! Sisirain pa yata ang buhay ko!   OA, buhay agad?   “Paano ako makakuwi nito?” Umikot ang tingin ko sa paligid.   As if on cue, may biglang pumasok sa isip ko. Napangisi ako at mabilis na naglakad papunta sa likod ng gym. Nang makita ko ang malaking puno sa gilid ng pader ay mabilis akong umakyat. Hindi ko na inalis sa likod ko ang bag ko, wala namang laman eh.   Maingat ang bawat pagtapak ko sa sanga dahil baka madulas ako. Mabuti nalang talaga hindi pa nila pinuputol ang puno na 'to, saka na pag naka-graduate na ‘ko.   “Kasi naman eh, kasalanan ‘to lahat ng lalakeng ‘yun. Kabanas.” Kapag talaga nakita ko ulit ang pagmumukha nun sisiguraduhin kong hindi na niya maipagmamalaki ulit ang mukha niya. Lecheng model ‘yun! Pahamak!   "Hoy! Anong ginagawa mo dyan?!"   “Ay palaka—ahh!" Sa gulat ko ay biglang dumulas ang isang paa ko at nalaglag ako sa mula sa pagkakatapak sa sanga ng puno. Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa damuhan. Pero naramdaman kong parang may nakahawak sa bewang ko.   "Aw!" daing ng taong nadaganan ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at umupo sa damuhan. Pinakiramdaman ko ang katawan ko dahil baka nagasgasan ako ng hindi ko namamalayan.   "What the hell is your problem woman?!" Natigil ako sa ginagawa ko at napalingon sa kanya.   My eyebrows furrowed. “Wow, ikaw pa galit? Kung hindi ka sana sumigaw hindi ako magugulat at malalaglag!” ganti kong sigaw. “Epal mo kasi. Malapit na akong makatakas eh!"   "Kaya nga kita sinigawan dahil bawal ang ginagawa mo!"   "Sino ka ba para pakielamanan ako?" Tinaasan ko siya ng kilay. Akala mo kung sino. Tss.   Inirapan ko siya at akma sanang tatayo ngunit bigla akong napangiwi sa sakit at napaupo nang maramdaman ko ang matinding p*******t ng paa ko. Lintek. Naipitan pa yata ako ng ugat. Malas naman oh!   "Tingnan mo tuloy ang nangyari sa paa ko!" Halos maiyak ako sa sakit. Nanahimik naman siya.   Lumapit siya sa akin at tiningnan ang paa ko. "Bakit ka ba kasi umaakyat sa puno?" marahan niyang tanong.   "Bingi ka ba? Sinabing tatakas nga ako! Kinginang mga press kasi ‘yun,” naiiyak kong sabi.   "Ikaw ang hinahanap nila?" gulat niyang tanong.   Inirapan ko lang siya bilang sagot at inasikaso ang paa ko.   "Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?"   "Kailangan pa bang itanong ‘yan?" I glared at him. “Tulungan mo akong makatayo.” Inilahad ko ang dalawa kong kamay sa kanya. Imbes na sundin ang sinabi ko ay nagulat ako nang bigla niya akong kargahin na parang bagong kasal.   Napasinghap ako. "What the? Hindi mo naman ako kailangang buhatin!" singhal ko.   “Manahimik ka nalang."   Habang patungo sa clinic, ramdam ko ang kakaibang tingin sa amin ng bawat estudyanteng madadaanan namin kaya halos takpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Nang makarating kami sa clinic ay ibinaba na niya ako sa isang kama. Agad naman kaming nilapitan ng nurse.   "What happened?" tanong nito.   "Pakitingnan yung paa niya, nahulog kasi sa sa puno." Halatang naguluhan ‘yung nurse sa huling sinabi ng lalaking 'to. Sino ba naman kasing matinong babae ang aakyat ng puno? Ako lang naman.   Tama ako na naipitan lang ng ugat ang paa ko. Nilagyan na rin niya ito ng benda para hindi ko daw masyadong igalaw.   "Here. You’ll need this." Nanlaki ang mata ko nang inabot nito sa’kin ang saklay.   Mabilis akong umiling. "H-hindi na po. Kaya ko naman maglakad." No way! Hinding-hindi ako magsasaklay noh! Ang baduy tingnan. Yuck!   Ayoko talaga!   "Sigurado ka bang kaya mo?” tanong nung lalake sa tabi ko. Nasa tapat na kami ng gate ngayon.   "Oo nga. Di makuha sa isang sagot?" iritado kong tanong. Kainis. Kasasabi ko lang na hindi ako magsasaklay eh! Mukha tuloy akong tanga.   Pati ‘yung mga estudyanteng nadadaanan namin ay pinagtatawanan ako. Kaligayahan yata nilang makita akong nahihirapan. Leche.   Nang makalabas kami ng gate ay bigla akong napahiwalay sa kanya dahil sa mga press na agad nagkagulo ng makita ako. Halos hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi nila dahil sa sunod-sunod nilang tanong. Rapper lang ang peg. ‘Yung mga guards naman ng school ay todo pigil sa kanila.   Nasaan na ba ‘yung sundo ko?   "Madam!" Lumapit na rin ang mga guards namin at nakitulong sa pagpigil sa mga press. Inalalayan naman ako ng iba sa kanila pasakay ng sasakyan.   Nakahinga lang ako ng maluwag nung makasakay na ako sa kotse.   "Ayos lang kayo Madam?" tanong nung driver.   “Sa lagay kong ‘to mukha ba akong okay?” pambabara ko. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata habang tinatahak namin ang daan pauwi.   Masyadong nakakapagod ang araw na 'to.   Bigla kong naalala ang lalakeng tumulong sa’kin kanina.   Hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD