Ria “WHAT? Wait. How come? I mean—oh my god.” Napahilot siya ng sentido matapos marinig ang mga sinabi ko. Kasalukuyan kaming nasa rooftop ng building namin. Dito ko siya dinala para siguradong walang ibang makakarinig sa pag-uusapan namin. “In short, si Mom ang puno’t dulo ng lahat,” dagdag ko. “I can’t believe this.” Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kamay. “Wala ka namang gusto sa kanya?” biglang tanong niya. “Anong klaseng tanong ‘yan?" nalukot ang mukha ko sa naging tanong niya. "Nasa tamang pag-iisip pa ako, never akong magkakagusto sa katulad niya noh.” Mayabang na nga plastik pa. Saan ka pa? We were quiet for a while. Siguradong ipinapasok pa niya sa isip ang mga nalaman niya. “Mabuti naman,” bulong niya. Lumapit siya sa’kin at niyakap ako na ikinabi

