Ria UWIAN na. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang may biglang umakbay sa’kin. Hindi ko na kailangang lingunin kung sino 'yun dahil kilala ko na maski presensiya niya. Nagiging hobby na niya ang gawin akong dantayan ng braso ah! "May shoot ako ng commercial. Monday pa ‘ko makakabalik," sabi niya. "So? Share mo lang?” Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko. Hindi ko alam kung bakit hilig ng mga lalake ang umakbay. Like, seriously? Mukha ba kaming poste? "Baka mamiss mo ‘ko bigla eh." Tumingin ako sa kanya na may halong pandidiri. "As if. Mainam nga na wala ka e, para wala akong problema araw-araw," pagtataray ko. "Ouch.” He held his chest dramatically. “Bakit ba ayaw mo sa’kin? Swerte mo nga dahil ako pa ‘tong lumalapit sa’yo." "Inutusan ba kitang lapita

