Ria KINABUKASAN. "Wake up sleepy head!" "Hey, wake up!" "I said wake up!" Nagulat ako nang may biglang humampas na unan sa mukha ko dahilan upang mapamulat ako ng mata sa gulat. Pupungas-pungas pa akong dumilat at agad nagsalubong ang mga kilay. "Ano ba!" singhal ko sa mapangahas na sumira ng tulog ko. "Gumising ka na! Malapit na tayong malate sa conference!" Hindi pamilyar sa'kin ang boses na 'yun. Pinilit kong dumilat ng maayos hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko at agad nanlaki ang mga mata nang bumungad sa harap ko ang pagmumukha ng isang babae. "Sino ka?" My eyebrows furrowed. Parang pamilyar siya sa’kin. "Ako ang manager ng boyfriend mo. Bumangon ka na ryan para maayusan ka na! Hindi ka ba na-inform o sadyang ulyanin ka?" Inirapan niya ako

