Ria AFTER two weeks. "Tomorrow we need to attend a talk show." Napatigil ako sa pagsipsip ng iniinom kong milktea nang marinig ang sinabi niya. Wala kaming pasok ngayon pero nag-message siya sa akin kanina na magkita daw kami rito sa milktea shop dahil may sasabihin siya. Wala nga dapat akong balak pumunta e, pero tinawagan ako ng loko at balak pa akong isumbong kay Mom. Kalalakeng tao sumbungero. My lips parted in surprise. "What? Bakit ako kasama?" Sa mga nakalipas na araw at linggo, unti-unti na kaming nasasanay sa isa't isa. Although, minsan asar na asar pa rin kami sa isa't isa. Hindi pa rin talaga ako gaanong sanay sa totoong ugali niya kapag kaming dalawa lang ang magkasama. O baka naman sa’kin lang siya masungit? "They will interview us about our so-called r

