(BOMBIE’S POV) APAT na araw ang matuling lumipas. Kasalukuyang nandito pa rin ako sa hospital. Ayos na aking pakiramdam. Maliit lang naman ang tahi sa aking ulo. At ang sugat ko sa aking braso ay daplis lamang. Ang sabi naman ng doctor ay puwede na akong lumabas. Basta inomin ko lang ang mga gamot ko. Para tuluyang maghilom ang mga sugat ko. Marahas akong napabunga ng hangin. Ilang araw na kasing hindi nagpapakita sa akin si Attorney. Nakita ko lang ito noong iligtas ako sa kakayuhan. Nasaan na kaya ito? Ano na kayang nangyari rito? Iyon ang mga katanungan sa aking isipan ng mga oras na ito. “Ms. Bombie, okay na ang mga papel mo, puwede ka nang makalabas ngayon araw,” anas sa akin ni Manang. Ito kasi ang nag-aasikaso sa akin noong mga nakaraang araw. Kaya sobrang laki ng pasasalamat k

