NAGISNG akong may nakadagan sa aking katawan. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumagilid din ako para alam kung sinong kasama ko rito sa aking kama. Hindi na naman maipinta ang mukha ko nang tumambad sa aking harap ang mukha ni Attorney Anderson. Hanggang sa bigla na namang pumasok sa utak ko ang nangyari kagabi. At ang pagkabitin ko. Napairap na lamang ako sa hangin. Tangka na sana akong babangon nang may yumakap sa aking katawan. At mas hinalapit pa sa kanya. Hindi ako nagsalita, nakikiramdam lang ako sa mga lagaw nito. “Ano'ng nangyari? May naganap ba sa atin…?” pabulong na tanong ng lalaki. Napangis ako ng palihim. Makakabawi yata ako sa lalaking ito. Dati kasi, nagtanong ako kung may naganap sa amin. Tapos ito’y hindi umamin. Hmmmm! “Hindi ko matandaan. P

