Matandang Hukluban 20

1940 Words

Nagising akong may nakadagan sa katawan ko. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Ngunit pakiramdam ko'y nahihilo pa rin ako. Kaya naman muli akong pumikit. Nahilot ko rin ang aking noo, sabay hilot nito. Teka, ano bang nangyari sa akin? Sobra akong nalasing kagabi. Nasaan kaya si Attorney? Hanggang sa bigla akong napamulat ng mga mata. Hanggang sa madama kong may gumalaw sa aking tabi. Dahan-dahan tuloy akong bumaling sa kaliwang higaan. Halos lumuwa ang mata ko sa taong nakikita ko, walang iba kundi, si Attorney Anderson. Bakit magkatabi kami sa higaan? "Oh, May Gulay!" Sabay tampal sa aking bibig. Teka, may nangyari ba sa amin ni Attorney? Nanginginig ang kamay ko habang dahan-dahan kong inangat ang kumot sa aking katawan. Nakita kong isang malaking damit ang suot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD