Mas nairita naman ako sa pagmumukha nito. Paano ba naman. Imbes na matakot ay nakikita kong parang nasisiyahan pa ang lintik na abogado. "Ms. Bombie, alam mo bang hindi bagay sa 'yo, ang humawak ng ganitong armas." Na-shock ako nang walang babalang hawakan nito ang aking kamay. Pagkatapos ay maliksing nakuha baril na hawak ko. Hanggang sa basta na lang nitong ibinato sa malayo ang baril. "Hindi ka dapat humahawak ng baril na galing sa kamay ng ibang tao. Baka may bacteria pa iyon..." bulong nito sa aking puno ng tainga. "Lord, umalis na po kayo, kami na ang bahala rito," anas ng tauhan ni Attorney Anderson. Bigla kasi itong sumulpot sa harap namin. Hindi tuloy ako makapagsalita. "Tiyakin ninyong, walang video na nakuha ang mga tao rito sa loob ng restaurant. Huwag basta paalisin. I-

