Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa lalaki. Tila nalunok ko yata ang aking laway. “Junior? Iniisip mo ba ang aking Junior, Ms. Bombie?” “Teka! Bakit ko namang iisipin ‘yun, aber? Saka, ibang junior ang laman ng aking utak. Ikaw lang ba may junior?!” tanong ko. Ngunit sobrang lakas ng kaba ng aking dibdib. “May ibang junior ka pang iniisip? Sabihin mo sa akjn, sino ang lalaking ‘yun, Bombie?!” halos mapatalong ako sa lakas ng sigaw nito. Tila nabingi yata ako. “Attorney, hindi yata tayo nakakaintindihan,” anas ko at medyo lumayo sa lalaki. “Attorney! Attorney! Dumating po ang Mama ninyo at kasama si Ma’am, Zyda!” Sabay kaming lumingon ni Attorney, kay Rudy. Hingal na hingal pa nga ito habang tumatakbo papalapit sa aming dalawa. “What? Sinong nag

