WALANG katakot-takot na sinalubong ko ang paa nito. Hindi ko alintana ang malakas ang impak nito sa akin. Ang tanging hagad ko’y hindi ako susuko sa laban. Hanggang may hininga ako ay hindi ako magpapatalo kahit sinong tao. Nang tuluyang maglapat ang mga paa namin ay dinig ko ang impak noon. Ganoon din sa mga buto ko. Pero baliwala 'yun sa akin. Muli akong umikot sabay, hampas sa leeg nito gamit naman ang isang paa ko. Ngunit, hindi pa rin ito sumuko. Muli itong tumayo at muling umataki sa akin. Hanggang sa muli kaming naglaban. Lakas ng isang lalaki. At ang lakas ko bilang isang babae. Nang makita ko ang kamao nito na tatama sa aking mukha ay walang takot na hinawakan ko iyon nang mahigpit. Medyo nasaktan ang kamay ko. Pero wala lang sa akin iyon. Hindi ko ito binigyan ng pagkakata

