"Attorney, puwede bang lumayo ka muna sa akin? Naaalibadbaran kasi ako sa mukha mo. Saka, palabasin mo ako!" galit-galitang sabi ko. Ngunit ang totoo ay sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko'y hindi ako makahinga. "Ashhh! Hindi naman ako papayag na hindi mo pagbayaran ang mga pinagsasabi mo sa akin, Ms. Bombie. Hinding-hindi ko iyon malilimutan..." muling bulong niya sa aking punong tainga. "Attorney, 'yung mga sinabi ko ay salitang lasing lamang 'yun. Kaya sana ay huwag kang maniwala. Di ba ganoon naman talaga kapag nalalasing?" "So, paano naman 'yung ginawa mo sa akin?" tanong nito. Ngunit mas lalo pang inilapit ang bibig niya sa aking labat. At talagang inaakit ako ng pasaway na lalaki. Pero hindi ako magpapaakit sa kumag na ito. Teka, may ginawa ba ako rito? Bak

