Tuloy-tuloy na akong humakbang para lumapit sa pinto ng opisina nito. Ngunit may pumigil sa aking beywang. Kaya napahinto ko sa paglalakad. "Aalis ka na agad? Hindi mo ba tatapusing gumitin ang aking sugat, Ms Bombie? Hindi ka man lang ba naawa sa akin?" tanong nito. At para bang kinukonsensya ako. Napabuga ako sa hangin. "Okay, fine! Bitawan mo na ako. At maupo ka," anas ko. Nagtitimpi akong magalit sa lalaki. Agad namang sumunod ito sa akin. Walang salita na naupo sa sofa. Muli akong lumapit sa lalaking mahilay ang bibig at grabe kung maka-ungol. Ngunit bago ko simulan ang pang gagamot ko sa lalaki ay kinuha ko muna ang aking panyo. "Hey! Ano'ng gagawin mo riyan?" tanong sa akin ng binata. "Wala naman," sagot ko. Sabay lapit dito. Pagktapos ay walang babalang inilagay ko sa bibig n

