KASALUKUYAN akong naglalaro sa aking cellphone nang dumting si Wani. Hingal na hingal pa nga ito nang lumapit sa akin. Wala kaming kliyente ngayon araw kaya hayahay muna ako. "Ms. Bombie, alam mo na ba ang balita?" tanong niya sa akin. Kumunot naman ang aking noo. "Ano'ng balita? May bago ba, Miss Wani?" "Ay! Tama nga ako. Palagi kang huli sa mga balita. Sabagay, tingin ko naman ay hindi ka nanood ng tv, kaya wala ang alam sa mga nangyayari sa bansa natin, Ms. Bombie." Busangot akong tumingin sa babae. "Hindi mo na lang sabihin kung ano'ng bagong balita ang sinasabi mo riyan. Ang dami mo pang pasikot-sikot, Miss Wani," anas ko. Malakas naman siyang tumawa. "Balitang-balita ang pagkamatay ni Mr. Kang." Kumunot ang noo ko. "Sigurado ka, Miss Wani?" "Yes, alam mo bang nasunog ito

