Umuusok ang ilong ko ng tumingin ako sa mga pulis na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano'ng trip nila sa buhay. Hanggang sa mapatingin ako sa sasakyan nila. Lalong nagsalubong ang kilay ko. Dahil imbes na sasakyan ng pulis ang gamit nila ay isang mamahaling kotse pa. Aba! Sosyal, ah. Mukhang hindi sila totoong mga pulis. Ano kayang plano nila sa akin? “Teka po! Huwag kayong aalis dito. Hintayin ninyo. May kukuhanin lamang ako sa loob ng bahay,” anas ko. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang ko para pumasok sa loob. Agad kong hinanap ang mahabang itak ni Itay. Mga tinamaan sila ng magaling ako pa ang pagtitripan nila. Malas lang nila hindi maganda ang araw ko ngayon. Isang buwan akong parang baliw, dahil namatay ang taong kumuha ng p********e ko. Tapos may mga siraulo pang igo-good ti

