TATLONG ARAW na ang lumipas. Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala. Ganoon din ang pamilya ni Attorney Anderson. Ngunit paano pa kami mag-aalinlangan, eh, heto na nga siya. At tatlong araw nang nakaburol. At bukas ang libing ni Attorney. Sa loob ng tatlong araw na ‘yun ay hindi ako umaalis sa harap ng kabaong nito. Gusto kong pagsawaan ang mukha nito kahit sa huling sandali. Dahil hindi ko na ito makikita pang muli. Sa tuwing iisipin ko na wala na si Attorney Anderson. Parang hinihiwa ang aking puso. Hindi ko matanggap iyon. Lintik naman kasi! Pagkatapos ako patikimin ng masarap. Tapos basta-basta na lang itong mamamatay. “Ms. Bombie, kumain ka muna. Baka magkasakit ka naman. Halos hindi ka na kumain. Kung nabubuhay si Attorney, hindi ‘yun matutuwa sa ‘yo,” anas sa akin ni Manang Eday,

