Lumipas ang mahabang oras, ngunit heto pa rin ako. Hindi makatulog. Hindi ko alam kung babangon ba ako o hihiga sa kama. Lalo at ‘di pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib. Laman ng isipan ko ay si Attorney Anderson. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang lalaki. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari rito. Ang tanging dasal ko'y sana naman ay walang masamang nangyari sa binata. Hanggang sa tumayo akong muli at lumapit sa bintana. Baka kasi dumating na ito kasama ang mga tauhan nitong sina Rudy. Ngunit, katahimikan ang sumalubong sa akin. Kasabay noon ang malamig na simoy ng hangin. Marahas na lang akong napabungtonghininga pagkatapos ay muling bumalik sa kama para mahiga. Tinakpan ko ng unan ang aking mukha. Baka kasi makatulog ako. Hanggang sa hindi ko namalayang nilamon na ako ng

